Featured Post

Isang 9 na taong gulang na bata nagsauli ng bag na naglalaman ng mahahalagang mga dokumento at P32,000 sa PNP binigyang papuri

Source: PNP Alfonso Lista

Binigyan pagkilala at papuri ng Alfonso Lista Municipal Police Station sa bayan ng Ifugao, ang isang bata na siyam na taong gulang na nakilala sa pangalan bilang si Gernan Jay Garcia, isang Grade 4 student sa Alfonso Lista Central School. Isinauli nito ang isang bag na naglalaman ng mahahalagang mga dokumento at pera na may halagang P32,000.

 
Source: PNP Alfonso Lista

Mula sa kanyang pahayag, pauwi na umano ang bata sa kanilang bahay nang makita niya ang isang itim na pouch bag sa gilid ng daan. Sa kanyang pagsusuri sa itim na bag, nakita nitong naglalaman ang bag ng mga papeles tulad ng mga dokumento sa bangko, ID cards, at perang P32,000.

Dumiretso naman agad ang bata sa tanggapan ng pulisya at ipinagbigay alam ang tungkol sa nakitang itim na bag.

 
Source: PNP Alfonso Lista


Laking tuwa naman ang mga tauhan ng PNP Alfonso Lista sa ipinakitang katapatan ni Garcia, kaya naman bilang pagkilala sa ginawang kabutihan ng bata ay ibinahagi nila sa kanilang Facebook page.

 
Source: PNP Alfonso Lista

Ibinahagi ng mga pulis ang katangian ng Grade 4 student sa pamamagitan ng isang quote ng American author na si Napoleon Hill:

“When you are able to maintain your own highest standards of integrity – regardless of what other may do – you are destined for greatness.”

At doon din nila inanunsiyo sa publiko na pumunta lamang sa kanilang istasyon ang may-ari ng napulot na pouch bag para kunin ito.

 
Source: PNP Alfonso Lista

Dahil sa post ay hindi naman nahirapang hanapain ng may-ari ang kanyang nawawalang bag. Pumunta ang isang taong nagpakilalang may-ari ng napulot na bag, dala ang mga pruwebang sa kanya nga ito. Lubos naman ang kanyang pasasalamat sa mabuting puso ng bata kaya binigyan niya ito ng pera bilang gantimpala sa ginawa niyang kabutihan.

Source: PNP Alfonso Lista

No comments