Featured Post

Isang 45-anyos na ginang na dating labandera ang ngayon ay isa nang milyonarya

Source: Rated Korina

Tunghayan ang kuwento ng isang ginang na dating labandera, ngunit ngayon ay isa nang milyonarya.
Sa programang “Rated Korina,” ipinalabas ang kuwento ng 45 taong gulang na si Cristel Gardoce Bulabon, ang “Pinay Cinderella” ng Antipolo City. 

 
Source: Rated Korina

Pitong taong gulang pa lamang daw siya ay nagbabanat na siya ng buto para sa kanyang mga kapatid at nakikitira lamang sila sa kanilang tiyuhin sa Bacolod. Kailangan niyang mag-igib ng sampung baldeng tubig bago sila makakain.
“I was actually six when they [parents] left, tapos naiwan sa’kin ‘yong mga kapatid ko. Second to the eldest ako, kaya lang sa aming magkakapatid ako ‘yong tumayong eldest dahil medyo weakling ‘yong brother ko.”

Source: Rated Korina 

Namasukan din siya bilang tagahugas ng plato at tindera ng kanilang kapitbahay. May pagkakataon din daw na naabutan ni Bulabon ang kanyang bunsong kapatid na nakatali ang leeg sa sintas ng sapatos sa dulo ng lamesa, na naging hudyat upang umalis sila sa puder ng kanilang tiyuhin at lumipat sa isang bakanteng kubo ng kanilang kapitbahay. Nagtinda rin siya ng kakanin kung saan ay palagi na niyang kasama ang kanyang mga kapatid. 

Source: Rated Korina 

Hanggang sa balikan na sila ng kanilang mga magulang.
Dinala sila sa Antipolo, ngunit iniiwan din silang magkakapatid. Sa kanilang lugar, malapit sila sa isang dump site at doon sila nag-aabang upang mamasura. 

Source: Rated Korina 

Bukod dito, kumukuha ng mga labahin si Bulabon sa mga bahay-bahay. Naglalakad siya ng limang kilometro papunta sa isang ilog sa baba ng bundok habang dala ang mga nakuhang labada.

Source: Rated Korina 

Nang siya ay makapag-asawa sa edad na 18, nakaranas siya ng pisikal at seksuwàl na pang-ààbuso. Dahil sa pagiging bay0lente ng kanyang asawa, nilulun0d na rin nito ang kanilang anak. Kaya pinàlo ni Bulabon ng bote ang ulo ng kanyang mister. 

Sa pagtangka niyang itakàs ang kanyang mga anak, dumating naman ang kamag-anak ng kanyang asawa at siya ay walang awang binugb0g ng mga ito.
“Lumabas ako ng bahay namin, hindi ko alam kung ako pa ba ‘yon. Wasàk ‘yong mukha, may mga peklat ako rito and you can still see the scàrs.


At dahil desperada na siyang makahanap ng bagong trabaho, pumasok siya bilang GRO. Dito na niya nakilala ang customer na babago sa kanyang tadhana. 

Source: Rated Korina 

Pinag-apply si Bulabon bilang telephone operator sa isang kompanya. Nakuha niya ang trabaho hanggang sa mapunta sa linya ng sales. Nag-abroad din daw siya at nang makauwi ay nagpatayo naman ng computer shop.

Source: Rated Korina 

Sunod naman ang isang karinderya at isang kompanya para sa diving. Nang makaipon, nag-franchise siya ng food cart at lumago ang negosyo niyang ito. 

Source: Rated Korina  

Ngayon, siya na ang nagmamay-ari ng isang dampa restaurant sa Antipolo na may 12 food cart at bar and resto.

Source: Rated Korina 

“I never beg. Never akong namalimos. Kasi malakas naman ang katawan ko at maraming resources ang paligid natin. So why not work?” ani Bulabon.

Source: Rated Korina  
Source: Rated Korina 

May sarili na rin siyang bahay at apat na sasakyan. Idagdag pa na mababa na ang P500,000 kada buwan na kanyang kinikita. Gayunpaman, nananatili pa rin siyang mapagpakumbaba at tumutulong sa mga nangangailangan. 

Source: Rated Korina  

Ang napanalunan nga nila ng kanyang anak mula sa sinalihang beauty pageant ay idinonate nila sa mga frontliners at iba pang residente ng Antipolo.
“I’ll cry for a night but it will not stop me for reaching my dreams,” ani Bulabon.
 

 

Source: Rated Korina  

No comments