Featured Post

Ibinigay ng isang lalaki ang kanyang first-class seat sa isang 88 taong gulang na matanda para matupad ang matagal na nitong pangarap

Source: Bored Panda

Matagal nang inaasam ng isang matandang babae na si Violet na makaupo sa first-class seat ng eroplano. Natupad nga ito sa pamamagitan ng kabutihan ng isang pasahero na nagngangalang Jack. 
 
 
Source: Bored Panda

Ibinahagi ng isang Virgin Atlantic flight attendant na si Leah Amy sa isang Facebook post ang kuwento ng dalawa noong Disyembre 2019. Aniya, sa dinami-rami ng naging flights niya at sa lahat ng mga movie stars, atleta, at supermodels na nakilala niya, sina Jack at Violet ang paborito niyang mga pasahero. Pagbibiro pa ni Amy, “I wish she was called Vera or Rose.” 
 
Source: Bored Panda

Kuwento ng flight attendant, nag-book ng first-class seats si Jack at ang kanyang pamilya pauwi ng New York. Bago sila umalis, nakilala ng lalaki si Violet at nagdesisyong ibigay sa kanya ang kanyang seat. 
Source: Bored Panda

“Jack went and found Violet in economy and swapped seats with her. He then sat on the row of seats directly next to the economy toilets and never made a peep or asked for anything the rest of the flight. No fuss, no attention, literally did it out of the kindness of his own heart, no one asked him too.” 
 
Source: Bored Panda

Naging nurse umano sa States at UK ang naturang 88 taong gulang na matanda. Madalas siyang magtungo ng New York para makita ang kanyang anak na babae, subalit hindi siya agad nakadalaw rito ngayon dahil sa kanyang knee replacement surgery. 
 
Source: Bored Panda

Ayon pa sa post ni Amy, 
“Her dream has always been to sit at the front, and Jack made that come true. You should of seen her face, when I tucked her in her bed after supper. She said her daughter won’t believe her, and wanted a ‘selfie’ to prove it, but didn’t have a phone or an email address. These photos are getting sent in the post tomorrow, can you even cope?” 
 
Source: Bored Panda

No comments