Featured Post

Twitch streamer sa Amerika kumita ng $16,000 o halos katumbas ng P800k na ang tanging ginawa ay matulog

 

Source: Businessinsider.com


Saan tayo makakkita ng natutulog pero kumikita? Sa panahon ngayon mahirap na itong paniwalaan. Lalo na sa panahon ng pandemiya.

Karamihan ay kailangan kumayod ng parang kalabaw para sa pamilya. Kailangang mag pursige sa trabaho at ang marami ay halos hindi na matulog para lang kumita. 

Source: Businessinsider.com

Ito ay kabaliktaran ng nangyari sa lalaking ito. Isang lalake ang kumita ng pera at ang tanging ginawa lamang nito ay matulog magdamag gamit ang isang Twitch streaming sa Amerika, tumiba ng $16,000 o halos P800,000 dahil sa ginawang pagtulog.

 
Source: Businessinsider.com

Mula sa online news na businessinsider.com, sinabing kinuhanan ng video ni "Asian Andy" ng Los Angeles ang kaniyang sarili habang natutulog at nag-live stream. Si Andy ay dating driver sa isang ride-hailing firm at kumikita lamang ng $16 sa isang oras. 

 
Source: Businessinsider.com

Sa kaniyang pag-live stream, habang natutulog siya ay pwede siyang bulabugin at istorbohin ng mga nanonood sa kaniya sa live stream gamit ang "text-to-speech recognition".

Sa bawat tunog at mensahe ay malakas na ibinabato at binabasa ay katumbas ng bawat donasyon na umabot ng $16,000 sa loob lang ng magdamag. Tanging ang puyat magdamag ang naging kapalit ng kaniyang kinita.

Source: Businessinsider.com 

Ang mga viewer na nagpapatugtog ng kung ano-ano, may nag-alarm clocks at may pekeng tahol ng aso para magising siya. Laking gulat umano ang 26-anyos na si Andy sa pagiging mapagbigay ng kaniyang mga viewer kaya labis siyang nagpapasalamat.

Source: Businessinsider.com  

Dahil dito ay nagiging popular umano ngayon sa mga influencer ang tinatawag na "sleep stream" sa Twitch, ang livestream na ginagamit ng mga gamer at lifestylecasters.

                 

Source: Businessinsider.com 

No comments