Featured Post

Trabahador ng DPWH kinilala dahil sa pagsauli ng napulot na bag na puno ng bungkos-bungkos na pera

 Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Kinilala ang isang trabahador ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagiging tapat  at hindi nagdadalawang-isip sa ibalik ang bag na may lamang malaking halaga na pera na kanyang napulot sa daan.

Binigyang pagkilala ang matapat na trabahador na nakilala sa pangalang Bernardo Dela Cruz, isang survey aide ng ahensya, nanaig ang tapat na kalooban  at hindi nagpasilaw sa pera na kanyang napulot.

 Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Sa pagkwento ni Bernardo, habang nagbibisikleta daw siya pauwi galing ng palengke dala-dala ang biniling dalawang kilong bigas at saging nang makita niya sa gilid ng daan ang isang kulay itim na bag.

Huminto daw ito  at sinuri ang nakitang bag at nang binuksan ay laking gulat niya ng makita ang laman ng bag ay mga bundle ng pera na nagkakahalagang Php 360,000.00, passbook at passport. Napaisip daw siya agad kung kanino ang bag. Hindi umano sumagi sa kanyang isip na itakbo ang nakitang pera. Tinignan nito ang mga contact number sa mga gamit na laman ng bag upang makausap ang may-àri at ng maisauli sana ito, ngunit wala itong nakita.

 Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook


Ipinagbigay alam nito na ang napulot na mga pera at mahahalagang dokumento sa DPWH Administrative Division Chief, Atty. Joey D. Gingane, at sila na ang gumawa ng aksyon at paraan para mahanap at matukoy ang nagmamay-àri ng mga pera at mga ibang gamit. 

Sa kabutihang palad ay nahanap ang nagmamay-àri ng bag at nakilalang isang Supervisor-Cashier si Jean A. Hinayon, ng San Isidro Upland Farmers Multipurpose Cooperative (SIUFMULCO) sa Santiago, Agusan del Norte.

Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Ikweninto ni Hinayon kakapa-encash niya lang umano ng cheke ng nasabing organisasyon at huli na nang malaman niyang nawala na ang bag na pinaglagyan niya ng mga pera. Hinala niya ay baka nahulog at naiwan niya sa nasakyang pampasaherong sasakyan ngunit bigo siyang makita ito.

Nagmadali niya itong ini-report sa pinakamalapit na istasyon ng pulisya. Isnalaysay ni Jean na sobra ang nararamdamang niyang takot at pag-alala, dahil baka hindi niya na mahanap ang pera at wala siyang pambayad sa malaking halaga na nawala.
 
 

 Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

 
Dahil sa kabutihang loob ni Bernardo ay naibalik naman ng DPWH Regional Director Pol M. Delos Santos at ni Bernardo ang nakitang bag at lahat ng laman nito sa mga miyembro ng kooperatiba kasama ang supervisor na si Jean, upang personal na magpaabot ng kanilang pasasalamat sa kabaitan at katapan ni Bernardo.

Ipinahayag naman ang paghanga ni Delos Santos sa ipinamalas na katapatan ni Bernardo at hindi nagpasilaw sa laki ng halaga ng pera.
“I am happy that he was not blinded by money,”
His honesty and action are worthy of emulation. Mr. Bernardo Dela Cruz embodies the core values of DPWH.” 

 


 Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

Maraming netizen ang humanga at sumaludo sa katapatan ni Bernardo.

 Source: Bernardo Dela Cruz/Facebook

No comments