Featured Post

Nanay na nagtratrabaho para sa anak at apo mula sa P25 na kita sa pagbebenta ng barbeque stick, nakatanggap ng tulong

Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

Nakatanggap na ng tulong ang nanay na kumikita ng P25 sa pagbebenta ng barbecue stick para masuportahan ang kanyang anak at apo.

Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

Kinakaya lahat ng 63 taong gulang na ginang na si Cornelia Sagumhay na mula sa Misamis Oriental para lamang matugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya. Nabuntis ng hindi pa nakikilalang lalaki ang kanyang anak na may sakit sa pag-iisip, kaya si Sagumhay ang gumagawa ng lahat ng gawaing-bahay.

Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

Idagdag pa riyan na ang tanging pinagkakakitaan ng ginang ay ang paggawa at pagtitinda ng mga barbecue sticks. Ibinebenta niya ng P5 ang kada 100 piraso ng sticks. Sa isang araw, nakagagawa siya ng 500 piraso ng sticks at kumikita siya ng P25 kada araw. Ang perang kinikita niya ay ipinambibili niya ng bigas at mais.

Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

Minsan ay may nagbibigay rin sa kanila ng dalawang kilo ng bigas. Sa kanyang edad ay hindi na raw niya malaman kung anong gagawin – mas mabuting mawala na lamang daw sila upang may matuluyan na sila sa sementeryo.
 
Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

Ibinahagi ng netizen na si Marilou Mendoza Labanes ang kuwento ni Sagumhay sa kanyang social media account. Dahil dito, pinuntahan sila ng CSWDO ng Ginoog City. Pahayag ng isang Renan Kate Sabacajan Espinosa, hindi raw pinababayaan ng gobyerno ang ginang dahil may natatanggap itong social pension at kasama rin sila sa SAP. Kada dalawang buwan, binibigyan umano sila ng suplay ng pagkain dahil kasali rin sila sa food assistance program ng Barangay Bal-ason.

May ilang tao pa ang nagbigay ng groceries at tulong pinansyal para sa pamilya ni Sagumhay.

Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

Narito ang naunang post ni Labanes:
“Si nanay Ang mag-isang nag-aalaga ng KANYANG ANAK NA BALIW na binuntis ng Hindi pa nakikilala Kung sino, siya Ang nag-aalaga sa anak at Apo Niya siya Ang nag-iigib ng tubig, maghugas ng mga pinggan, mag saing at higit sa lahat Ang maghahanap buhay para mabuhay silang tatlo Ang tanging Alam ni nanay na trabaho sa edad Niya Ang Ang gagawa ng barbeque stick Kung saan 5 pesos per 100pcs lamang siguro sa isang araw makakagawa c nanay ng 500pcs at Ang halaga nito ay 25pesos lamang, binibili nila Ito ng bigas na mais, may nagbigay Naman daw NG bigas sa kanila 2kl Yun Yung pinapakain Niya sa Apo Niya pinapaulaman Niya Lang ng asukal Ito Nais ni nanay ng maayos na bahay na matitirhan dahil di na daw Niya Alam Ang gagawin Niya eh matanda na daw siya, gugustohin nalang daw Niya mamatay sila para sa cementeryo na sila titira
Location: Brgy. Bal-ason Gingoog City misamis Oriental
Sana matulungan po sila sa may mabuting kalooban at mapansin sa #KMJS #kmjs15page #KMJSNAYAN #raffytulfoinaction”
Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube



Source: Marilou Mendoza Labanes/Youtube

No comments