Featured Post

Nabiling Itlog ng isang netizen peke nga ba dahil sa hindi nababasag ang pula nito?

Source: GMA News
 
 Sa panahon ngayon pandemiya may ilang tao na nagsasamàntalà sa kanilang kapwa, minsan may mga nagtitinda ng mga pekeng mga kagamitan o minsan kahit sa pagkain. Nakakalungkot man isipin na may ilang tao na kaya itong gawin. 
Tulad na lamang ng kumukalat na balita dahil sa isang netizen ang nag-upload ng nabiling fake na 
itlog. 
 
 
Source: GMA News
  
Kamakailan lamang ay nag-viral sa social media ang balita na peke umano ang itlog na nabili ng isang netizen sa kadahilanang hindi nababasag ang egg yolk nito.

Source: GMA News

Ayon sa in-upload ng netizen na si Ritz Egegamao, isang residente na mula sa Cainta, Rizal, peke umano ang kanyang nabiling itlog dahil hindi raw nababasag o napipisa ang pula ng itlog kahit na ito ay pisilin o kurutin. Kahina-hinala umano ito sapagkat tila nakahiwalay ang egg yolk mula sa egg white.

Source: GMA News


 Maririnig sa video ang tinig ng dalawang babae na nagsasabing peke ang nabili nilang itlog. Posible raw itong binola-bolang harina dahil hindi ito nababasag. Pinakita rin nila ang prinitong itlog at sinabi nilang naihiwalay kaagad ang pula sa puti nito. Iginiit pa rin nila na peke ang mga ito.

Source: GMA News

Pahayag naman ng Department of Agriculture at Philippine Egg Board, hindi raw totoo ang alegasyon ng mga nagrereklamo.

 
Source: GMA News

Ayon sa Regional Executive Director ng DA-CALABARZON na si Engineer Arnel de Mesa, maaari umanong suriin ang sinasabing pekeng itlog sa kanilang laboratoryo upang masuri kung ano nga ba ang komposisyon nito. Normal lang din umano na tumigas ang egg yolk kapag galing ito sa refrigerator.

Source: GMA News

“’Yong fresh egg, matambok ‘yong kanyang yolk. ‘Yong malapit nang masira ang itlog, flat ‘yong yolk. O kaya ‘yong iba, parang basag na ‘yong yolk,” paglilinaw naman ni Gregorio San Diego Jr., Chairman ng Philippine Egg Board.

Source: GMA News

No comments