Featured Post

Matandang OFW mula sa Riyadh, Umuwing wala na ang kaniyang pamilya at ang naipundar niyang bahay

Source: Mae Regala/Twitter

Mahirap mawalay sa mahal sa buhay. Ngunit sa hirap ng buhay ngayon hindi na maiiwasang mawalay muna sa pamilya. Sakripisyo at tatag ng kalooban ang tanging kailangan baon sa pangingibang bayan para maibigay ang magandang buhay na inaasam-asam para sa mahal sa buhay.

Tulad na lamang ng mga Overseas Filipino Worker o (OFW), na hindi biro ang mga kinakaharap sa buhay.

Source: Mae Regala/Twitter

Lahat ng pagod ng isang OFW ay maiibsan makita lamang na masaya at may magandang buhay sila. Naibibigay lahat ng pangangailangan. 

Kaya naman napakaskit kung lahat ng sàkripisyon ng mga OFW ay hindi natutumbasan.
Mas màsàkit pang kung nawala na parang bula ang mga naipundar na mula sa kanyang paghihirap at pagod sa pagtratrabaho.

Tulad ng nangyari sa isang OFW mula sa Riyadh na si Engineer Romeo Ordaz. Naghanap-buhay siya sa ibang bansa upang may maibigay sa kanyang pamilya ang magandang buhay. Sa kanyang pag-uwi ninais niyang sorpresahin ang kanyang pamilya, subalit tila siya ang nasorpresa sa mga nangyari.

Source: Mae Regala/Twitter

    

Mula noon ay hindi na mahanap ang pamilya ni Ordaz sa kanilang tahanan. Wala rin daw siyang alam kung nasaan na ang mga ito ngayon at kung anong dahilan ng kanilang pag-alis.

Isang post ng isang netizen naman ang nagbahagi ng kuwento ng OFW na si Ordaz sa kanyang Twitter. Nakilala ang netizen na si Mae Regala, nakita raw niya at ng kanyang ina si Ordaz sa SM Southmall na mukhang màlungkot at may dinàramdàm.

Source: Mae Regala/Twitter


Sa pagka-usap kay Ordz napag-alaman ng netizen na umuwi ng Pilipinas ang OFW mula Riyadh noong pang 2011. Noon din ay hindi na kailanman nakita nito ang kanyang pamilya. Wala na rin daw ang kanilang bahay sa kanilang lugar.

Source: Mae Regala/Twitter


Hindi raw sigurado ni Ordaz kung buhay pa nga ba ang kanyang mga magulang na sina Arturo at Conchita Ordaz.

Source: Mae Regala/Twitter  

Wala siyang asawa at anak, ngunit mayroon naman daw siyang ilang kamag-anak. Mayroong ding mga  taong tumangay sa kanyang pera.

Source: Mae Regala/Twitter

No comments