Featured Post

Matandang lalaki nagsauli ng napulot na wallet, tumanggi sa ibinibigay na pera kahit nasa ospital ang asawa, nakatanggap ng himala

 

Source: Clara Dorene Magbanua/Fcaebook

Nakatanggap ng “himala” ang isang matandang lalaki matapos niyang ibalik ang napulot na pitaka ng isang babae.

Ibinahagi ng netizen na si Clara Dorene Magbanua mula sa Puerto Princesa, Palawan ang kuwento patungkol sa matandang lalaking nagbalik ng kanyang wallet. Ayon kay Magbanua , kasama niya ang kanyang pamilya nang dumalaw sila sa kanyang bayaw. Nang sila ay nasa bahay, may tumatawag umano sa kanyang cellphone; ngunit hindi niya kilala ang numero. Sinagot niya lamang ito nang tumawag ito sa pangalawang pagkakataon at doon na lamang niya nalamang nawawala na pala ang kanyang wallet. 

Source: Clara Dorene Magbanua/Fcaebook

Isang Rome Punla ang nakapulot ng kanyang pitaka. Dahil nasa iisang lugar lang sila ay agad itong pinuntahan ni Magbanua. Agad na nakuha ng babae ang pitaka na naglalaman ng pera at ATM cards. Bilang pasasalamat, tinangka umano niyang bigyan ng pera ang matanda. Ngunit sabi ni Punla, “Neng, hindi naman ako nanghihingi ng kapalit. Ok lang sa akin kahit wala kang ibigay.” 

Source: Clara Dorene Magbanua/Fcaebook

Tanging ID lamang daw ni Magbanua ang ginalaw ng matanda upang ito ay matawagan. Mas lalo raw humanga ang babae nang malaman niyang nasa ospital ang asawa ni Punla ngunit tinanggihan niya pa rin ang alok na pera.

Source: Clara Dorene Magbanua/Fcaebook

Sa naging panayam kay Punla , ilang beses na rin daw siyang nakapulot ng pitaka ngunit hindi niya ito kailanman pinag-interesan. Paninindigan daw niya sa buhay ang makagawa ng kabutihan na ikalulugod ng Panginoon. Nang makita niya raw ang wallet, alam niyang sinusubukan lamang siya. Ani pa ni Punla, “Hindi na ako nagdalawang-isip dahil marami rin akong mga problema na pinagdaanan at nakaraos ako. Eto pa kaya hindi ako makaraos?” 

Pagbalik nga umano ng matanda sa ospital, nakabangon na raw ang kanyang asawa. Ito na raw marahil ang kapalit ng kanyang kabutihan.

Source: Clara Dorene Magbanua/Fcaebook

Narito naman ang post ni Magbanua:

“Shout out po kay Tatay Rome Punla na taga Abad Santos Puerto Princesa Palawan na nakapulot nang wallet ko. Sobrang thank you po sa nagawa nyo. Lahat ng cards ko nasa wallet ko .Nasa loob lang din ang PIN code ng isang card ko. May pera din po but I still receive the exact amount. You called me gamit ang number na nakita mo sa ID ko. You even refuse the money na gusto kung ibigay bilang pasasalamat man lang sana sa pagbalik sa wallet ko. TAY sana lahat nang tao tulad nyo. Thank you so much. You are a true hero! May God bless you always

Pashare guys. Sya ang halimbawa nang taong karapatdapat na sumikat”

Source: Clara Dorene Magbanua/Fcaebook

No comments