Featured Post

Mag-asawang mangangalakal sa Pampanga nabigyan ng maayos na kasal sa tulong ng mga Wedding suppliers at coordinators

Source: ABS CBN News

Hindi lahat ay pinalad na magkaroon ng marangyang pamumuhay na lahat ng naisin ay makakamit. Tulad nalang kung magpapakasal, hindi lahat ay pinalad magkaroon ng maayos na kasal. Minsan sa hirap ng buhay ang ilan ay hindi na rin kayang magkaroon ng kasalan at nagsasama na lamang sa isang bubong.

Source: ABS CBN News

Kaya naman maswerte ang mag-asawang nangangalakal ng basura na mabigyan ng libreng kasal. Nagkaroon ng libre kasal ang dalawa dahil sa nag-ambagan ang mga wedding supplier at coordinator sa Pampanga para sa isang charity wedding ng mag-asawang mangangalakal.

Source: ABS CBN News

Nagkaroon din ang mag-asawa ng Picture perfect prenup shoot sa isang pedestrian lane, sa gitna ng traffic, at sa gitna ng mga kalakal.

Source: ABS CBN News

Sa tulong at pangunguna ng fashion stylist at makeup artist na si Richard Strandz, nagtulungann ang grupo ng mga event supplier at coordinator para sa hair and makeup, gown, suit, photos and videos ng mag-asawang sina Rosalyn Ferrer at Rommel Basco.

Source: ABS CBN News

Ito ang pahayag ni Strandz:

"Tinry ko na kausapin lahat yung mga Pampanga suppliers na mga friend natin and then pumayag naman sila," 

Source: ABS CBN News

Dahil sa ekstraordinaryong pagmamahalan ng mag-asawa mula Angeles City nakuha nila ang kanyang atensyon at bumilib sa mag-asawa. Natuwa daw siya sa love story nina Rosalyn at Rommel, na napag- alamang 24 taon ng nagsasama at mayroon na ding anim na anak. 

Source: ABS CBN News

Ani ng mag-asawa kahit na matagal na nilang gustong magpakasal, hindi umano nila magawa dahil sa ang kanilang pera ay pinagkakasya lamang sa kanilang pang- araw-araw.

Source: ABS CBN News

Ngunit sa kabila kasi ng hirap ng buhay na dala ng pandemiya at nakatira lamang sila sa barong-barong sa bakanteng lote, hindi sila nawawalan ng pag-asa at nananatiling positibo ang kanilang pananaw sa buhay.

Makikita din sa mag-asawa ang saya at pagmamahalan nilang dalawa at ng kanilang buong pamilya.


Source: ABS CBN News

Hindi lamang pictorial ang ibinigay sa mag-asawa kundi naghanda rin ang grupo ng isang magarbong kasal para sa mag-asawa. Pati ang ang pagproseso ng mga kailangan sa kasal ay binigay nila sa mag-asawa.

Source: ABS CBN News

Dagdag pa ni Strandz:

"Tinulungan ko na sila nung isang araw na mag-ayos ng CENOMAR, ng birth certificates nila and then ipa-process na namin niyan 'yung marriage license nila, so ang alam nila is simpleng wedding lang,"

Source: ABS CBN News

Si Strandz din ang nasa likod ng makeover ni Dennis Pascual, na isa ring mangangalakal.

 Source: ABS CBN News

No comments