Featured Post

Isang Nanay Ang Ayaw Maging Ninang ng kanyang Anak ang Minaliit Niyang isang Service Crew lamang daw

Source: Rakerizta/Facebook

Ang mga ninong at ninang ay may gampanin o obligasyong maglingkod bilang mga proxy para sa mga magulang kung ang mga magulang ay hindi o napapabayaang magbigay para sa pagsasanay sa relihiyon ng bata, bilang pagtupad sa mga pangako sa binyag . Tumatayo din silang pangalawang magulang ng inaanak.          

Ngunit sa panahon ngayon, nakakalungkot isipin na minsan iba na ang pagkilala sa mga ninong at ninang. Nabibigyan na sila ibang responsibilidad.         

Sa panahon ngayon marami ng nababasa sa social media patungkol sa mga magulang na ang tingin sa mga ninong at ninang ng kanilang anak ay taga bigay ng regalo o pera lalo na kapag darating ang kapaskuhan o birthday ng kanilang anak.

Tulad na lamang ng isang netizen na hinamak pa ang pagiging service crew lamang daw.      

 
Source: Rakerizta/Facebook
 
Hindi ang pagbibigay ng mga regalo at pera ang pangunahing tungkulin ng mga ninong at ninang kundi ang magsilbing mga "co-parent" o katuwang ng mga magulang sa pag-alaga sa mga bata.

 

Source: Rakerizta/Facebook
  

Nakakalungkot isipin at minsan hindi nakakatuwang mabalitaan na mayroon mga magulang na nanghihingi at demanding pa sa ibibigay na regalo o pera ng kanilang anak.

Source: Rakerizta/Facebook

 Tingin ng ibang magulang na obligadong magbigay ng regalong pera ang mga ninong at ninang ng kanilang mga anak.

Source: Rakerizta/Facebook

Ito ang kwento na talagan namang magpapainit ng inyong ulo ang patungkol sa isang magulang na naghahanap ng mayamang ninong o ninang ng kanyang anak para sa binyag.


Sa isang post sa Facebook ng netizen na si Kath, ibinahagi nito ang usapan nila ng babaeng kukunin  sana siyang ninang ngunit nagbago ang isip nito dahil ‘service crew lamang’ daw ang trabaho ni Kath.

Source: Rakerizta/Facebook

Kinuhanan ng mga screenshots ang mga message na ibinahagi ni Kath, mababasa ang tila bastos na pangmamaliit ng nanay sa kanya.      

Mula sa kuhang screenshots, ayon sa nanay, akala niya ay sa office natatrabaho si Kath kaya gusto raw niya itong kunin na ninang ng kanyang anak, pero noong malaman niyang sa restaurant nagtatrabaho si Kath at service crew lamang siya at nagbago ang kanyang isip.

Source: Rakerizta/Facebook


Narito ang ilan sa mga komento ng nanay:

“Pinagiisipan k pa naman n kunin kang ninang kasi akala ko maganda trabaho mo jan s abroad malaki sahod pero hindi pala,”

“Kulang pa sayo sahod mo at hindi ka makapagpakimkim sa anak ko,”

“D kasi ako kumukuha ng ninang na di maganda ang work para kapag may need anak ko madali lang sila makakapagbigay,”

 
Sa hindi maayos na pakikipag-usap kay Kath hindi na niya ito napigilang magpost sa social media. 
Dahil sa post ni Kath madami nakarelate na ganoon din ang mga nangyari sakanila. Talaga namang umani ng maraming reaksiyon at komento ang naturang post.

Source: Rakerizta/Facebook 

No comments