Featured Post

Isang bulag ang kinabiliban dahil sa nagtapos bilang Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Secondary Education

Source: GMA News

Nagtapos bilang Magna Cum Laude ang isang bulag sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English sa Philippine Normal University.

Source: GMA News

Sa video na ini-upload sa YouTube channel ng GMA News, pinatunayan ni Erick Marco Ramos na hindi hadlang ang kanyang kapansanan upang magtagumpay. Bukod sa pagiging Magna Cum Laude, pangatlo siya sa may pinakamatataas na grado sa kanilang unibersidad.

 
Source: GMA News

Ayon kay Ramos, maaaring may mga bagay na wala sa kanya ngunit mayroon pa rin naman siyang kayang gawin. Hindi siya Braille reader kaya nakadepende siya sa tulong ng kanyang mga guro, sa kanyang pamilya at sa teknolohiya upang makasabay sa pag-aaral. 

 
Source: GMA News

Hinarap din daw niya ang mga hamon dahil sa kanyang kapansanan: isang propesor umano ang nagtanong sa kanya noong unang araw ng klase kung ano ang gagawin niya sa kanyang klase. At ngayon, hamon din daw para kay Ramos ang paghahanap ng trabaho.

Source: GMA News
“Not all schools are willing to hire visually impaired teacher. Mayroon akong mga pinag-apply-an na hindi talaga tumawag. Mayroon namang nakipag-communicate tapos when they realized or when they found out I was visually impaired, parang ‘I will call you’ and then they never call back. So siyempre on my part alam ko na what that means.”

 
Source: GMA News

Pagpapatuloy pa ni Ramos, 

“Be open, you’d be surprised. Give persons with disabilities a chance because sometimes that is all that’s needed a chance.”

Source: GMA News

Una raw niyang ituturo sa mga estudyante ang pagtuklas sa kung ano nga ba ang kanilang nais. Sunod nito, gusto rin niyang ituro na kilalanin pa nila ang kanilang mga sarili para malaman ng isang bata kung ano ang kaya niyang gawin.

 

Source: GMA News

No comments