Featured Post

Isang batang kahanga-hanga pinagsasabay ang pag-aaral sa online learning at ang kanyang Chemotherapy

Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

Isang kwento ng isang bata na talaga namang nakaka-inspire at hinangaan. Isang amang si
Philip Richard Budiongan ang naaawa sa sakripisyo ng kanyang anak na si Andrei.

Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

Sa panahon ng pandemiya hindi rin maiiwasan ang mga problema na kinakaharap ng mga Pilipino. Dahil sa virus hindi pa malaman kung kailan ang pagbabalik eskwela ng mga bata. Inirekomenda ng Department of Education na makabubuting walang muna ang face-to-face learning at ipatupad ang online learning. Naging malaking pagsubok naman ito para sa mga bata at sa kanilang mga magulang, lalo pa at hindi din madaling mag-aral dahil sa kakulangan ng mga module at maayos na internet connection.

Source: Philip Richard Budiongan/Facebook 

Isang batang sa kabila ng pandemiya, mayroon din siyang karamd√†mn. Nakilala ang bata sa pangalang Andrei. Siya ay na-diagnose na mayroong leukemia, o cancer sa dugo, kaya naman kinailangan niyang sumailalim sa gamutan at chemotherapy. 

Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

Kasalukuyang nagpapagamot si Andrei sa Philippine Children’s Medical Center. 

 Sa kabila nito ay masipag ang batang si Andrei na mag-aral kahit ito ay sumasailalim sa kanyang gamutan.

 
Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

Narito ang Post ng Ama ni Andrei:
“Chemo day while learning. There’s always a silver lining in every challenge that we face. For us, it is the emergence of online class. Thank you anak for showing resilience. And thank you mommy for yor patience. Kidding aside, baka di na maka-absent ibang bata dahil sayo anak ah. To god be the glory,”

 
Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

Kahit na siya ay mayroong chemotherapy session, hindi ito hadlang sa kagustuhan ni Andrei na mag-aral. Gamit ang kanyang tablet, notebook, at ballpen, matiyagang nakikinig si Andrei sa lecture ng kanyang guro.

Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

Lubos ang paghanga ng mga netizen sa kakaibang kwento ni Andrei. Patunay siya na kahit pa gaano karaming problema o pagsubok sa buhay, siguradong malalampasan mo ito kung ikaw ay magiging positibo at tatag ng kalooban. Malaking tulong din ang malaking suporta at pagmamahal ng mga magulang.

Source: Philip Richard Budiongan/Facebook

No comments