Featured Post

Cum Laude Graduate mula sa Bulacan, kumuha ng higit sa 8 trabaho upang suportahan ang kanyang pag-aaral

 

Source: KAMI

Inspirasyon sa marami ang kuwento ng isang estudyanteng mula sa Bulacan na nagtapos bilang Cum Laude sa UP Diliman, na kumuha ng walong trabaho para masustentuhan ang kanyang pag-aaral.
Ilang trabaho ang pinasok ni Geoselle Dela Cruz para lamang masuportahan ang kanyang pag-aaral. May pagkakataong imbes na makapag-focus siya sa academics ay nag-aalala rin siya kung kumusta nga ba ang pamilya niya sa Bulacan. 

 
Source: KAMI

Minsan, hindi niya rin malaman kung saan nga ba siya kukuha ng pera para sa baon at iba pang pangangailangan. Mabuti na lamang daw at may mga kaibigan siya na handang tumulong sa kanya.

Source: KAMI

“Marami po akong t-in-ry na raket and opportunities para ma-sustain ‘yong studies ko. So nag-tutor po ako for three years, and then nag-choreographer ako sa mga dance groups, sa mga students, companies.

 
Source: KAMI

 And then, nag-research assistant at student assistant din ako kung saan may opening. Tapos nagbebenta rin po ako ng mga kung ano-anong food and clothes sa dorm, sa mga kasama kong students. 

 
Source: KAMI

And then kapag may mga open opportunities na mag-host, mag-emcee, mag-judge ng competition, ‘yon. At saka nag-repelling instructor din po ako for one a half years.”

 
Source: KAMI
 
Sa dami ng kanyang ginawa noon, masaya pa rin naman si Dela Cruz dahil na-e-enjoy niya ang mga ito at passion niya ang sumayaw at magturo. Ngunit tila hindi doon natatapos ang paghihirap niya.

Source: KAMI

4th year college siya nang ma-stroke ang kanyang ina at kasagsagan din ng thesis sem, kaya kailangan niyang umuwi mula Diliman hanggang Bulacan upang bantayan ang kanyang ina at mga kapatid. 

Source: KAMI

Nasangkot pa ang kanyang kuya sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Kaya siya ang tumayong panganay noong panahon na iyon, at ipinagpasa-Diyos niya na ang lahat ng kanyang nararanasang problema.

 
Source: KAMI
 
“Masasabi ko na for the whole college life, what keeps me going is ‘yong relationship ko kay God. Kasi sobrang, no’ng na-meet ko siya, personally no’ng na-encounter ko siya, doon ko na-realize na Siya lang talag ‘yong kailangan ko. And when I have Him, everything will fall into their places.”
Nagpapasalamat din siya sa kanyang pamilya,lalo na sa kanyang mga magulang dahil hindi siya binibigyan ng pressure ng mga ito.

Source: KAMI

Pagtatapos ni Dela Cruz, “Sobrang value your education kasi grabe ‘yong pinaghirapan ng parents natin for that. And sobrang masarap din na makita mong marami kang natutunan and naging fruitful ‘yong stay mo sa pag-aaral mo. Para naman sa mga pinanghinaan ng loob, napapagod, parang wala nang makitang way kung paano makakalusot sa mga challenges niyo, gaya po ng sinabi ko, God will really deliver you like, for the years na nabubuhay tayo ‘di niya tayo pinabayaan what more for the coming years.”

Source: KAMI

 

Source: KAMI

No comments