Featured Post

22 taong gulang na Guro sa Bulacan na laging napagkakamalang estudyante dahil sa kanyang Baby face

Source: GMA News Online

Napagkakamalang estudyante ang isang guro sa Bulacan dahil sa pagkakaroon niya ng baby face.
Hindi talaga maikakailang mukhang bata at estudyante pa lamang ang 22 taong gulang na guro na kinilala bilang si Ian Francis Manga.

 
Source: GMA News Online

Kasalukuyang nagtuturo bilang teacher ng kindergarten at grade 2 si Manga sa Paaralan ng San Jose Del Monte Bulacan. Ayon pa sa guro, “Para po nila akong kuya, kalaro palagi.”
Sakitin daw siya noong siya ay bata pa at hinihinala niyang ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng delay sa pag-develop ng kanyang pisikal na katawan. 

 
Source: GMA News Online

Noong siya ay nasa high school, hindi raw niya naranasang magbinata na katulad ng kanyang mga kaklase. Hindi umano niya naranasang tubuan ng buhok sa kili-kili at magkabigote.
Salaysay pa ni Manga, hindi siya pumunta ng doktor para kumonsulta dahil hindi naman daw niyang naranasang kutyain.

 
Source: GMA News Online

“Hindi po ako na-bully kasi I was friendly. Palakaibigan po ako sa kaklase ko. Minsan nabu-bully rin mga hindi ko naman kakilala, kakantahan ka ng mga bulilit. E ‘wag mong pansinin.”

 
Source: GMA News Online

Naipasa niya ang kanyang licensure exam sa edad na 22 at nagsimula na rin siyang magturo.
“Nagiging seryoso ako, nagiging seryoso din sila sa akin. Hati ‘yong pagiging strikto sa pagiging teacher. Teacher po ako. Hindi po kailangang always play kailangan may seryosohan din.”

 
Source: GMA News Online

Source: GMA News Online

No comments