Featured Post

Wala ang mga kamay ngunit kumikita at nakakatulong sa kanyang pamilya, nakilalang bilang magaling na manlalaro at streamer

Source: Facebook gaming

Isang malaking hamon sa buhay ang magkaroon ng kapansanan. Kapansanàng magiging balakid sa pang araw-araw na pamumuhay at pangarap sa buhay. Minsan pa tinawag ang may kapansànan na walang silbi, ngunit maiba sa nakasanayan makita, isang batang lalake ay isang ng sikat na streamer sa kabila ng kapansanàn nito.     

Source: Facebook gaming

Siya ay kilala bilang si GOLF NO HANDS na si Pharadon Rungrueang mula Thailand, isang napaka-talentado na streamer ng laro. Mula sa isang malalang aksidente  si golf no hands noong taong 2017. Nawalan ng mga kamay at paa si Golf No Hands.                    

Source: Facebook gaming

Sa suporta ng kanyang tiyuhin at pamilya, naisipan niyang simulan ang pag-stream sa Facebook. Sa kabila ng mga pisikal na limitasyon, nakakapaglaro pa rin siya sa tablet sa pamamagitan ng pagkontrol ng pen gamit ang kanyang bibig. 

Source: Facebook gaming

Sumali siya sa Facebook Gaming noong summer ng 2020 at mula noon ay nakakuha ng higit sa 100,000 mga followers.

Source: Facebook gaming

Walang ang parehong braso ngunit nagawa niyang sanayin na paunlarin ang kanyang sarili upang maging isang magiting na streamer. Dahil sa pag-iistream niya ay kumikita siya at nakakatulong sa kanyang pamilya. Hindi hadlang ang kawalan niya ng mga braso para tumulong sa kanyang pamilya.

Source: Facebook gaming

Mula noong edad na 14, walang braso, ang magkabilang panig ay may isang binti. Ngunit hindi niya hinamak ang kapalaran , ngayon ay 18 taong gulang na at magaling na isang manlalaro at streamer na. Gamit ang kanyang bibig kumikita ng pera para sa kanyang pamilya.  Ito ay higit pa sa isang laro, ito ay isang patuloy na pakikipaglaban sa hamon ng buhay.

Source: Facebook gaming

Mayroon siyang taglay na pagtitiyaga at determinasyon sa kabila ng kakulanga ng parte ng katawan at malaki ang kaibihan sa katawan ng ibang tao, ang iyong lakas sa loob ay mas higit pa sa isang mga kumpleto ang katawan.

Source: Facebook gaming 

Talaga namang nakakabilib ang kwento ni golf no hands, sa kabila ng kawalan ng mga kamay ay nakakatulong pa rin ito sa kanyang pamilya. 

Source: Facebook gaming

Malaking tulong din ang kanyang mabuting tiyuhin sa pagturo, pagsanay at nagbigay lakas ng loob para lumaban sa  buhay.

 

Source: Facebook gaming 

No comments