Featured Post

Vendor na PWD humahagulgol dahil sa pinagtangkaan pang tangayin ang perang pinaghirapan nito

Source: Palawan Insider

Sa panahon ngayon may mga masasamang tao na kahit may kapansanan ang isang tao ay hindi nakakaligtas.

Tulad ng PWD na naglalako ng mani na nakitang humahagulgol sa kadahilanang pinagtangkaan pang tangayin ang pera nito ng hold-upper . Marami ang naawa sa pag-iyak at sinapit ng tindero na mayroon pang kapansanan. 

 
Source: Palawan Insider

Sa post ng Facebook page ng Palawan Insider ,makikita ang post sa page ang vendor na naiyak na lamang habang pinapatahan ng kanyang ina. Maraming netizens ang naantig ang puso at naawa sa vendor.

Ito ang paglilinaw ng imbistigasyon na nakarating sa Palawan Insider, hindi umano nagtagumpay ang suspek sa panghohold up dahil nataranta ito at hindi tuluyang nakuha ang bag na may lamang pera ng biktima. 

 
Source: Palawan Insider

Samu't-saring komento sa social media ang nglabasan sa insidente lalo pa at kilala ng marami ang biktima na sa kabila ng kanyang kapansanan ay pinipilit nitong magtrabaho at mamuhay ng normal sa pamamagitan ng pagtiitnda ng mani para makatulong sa kanyang pamilya.

 
Source: Palawan Insider
 
 
Source: Palawan Insider 

Inilabas ang larawan ng lalaking di umano ay suspek sa tangkang pangho-holdap sa binatang may kapansanankuha mula sa CCTV footage ng isang malapit na restaurant sa lugar kung saan naganap ang insidente.

Sa Facebook post ni City Information Officer Richard Ligad, nanawagan ito sa suspek na sumuko na at makipag-ugnayan sa mga otoridad.


Ito ang kanyang post:

"Hindi ko pa sana ito ilalabas sa FB.. pero may nakita na po akong nag post nito.. Kaya ikaw pogi yung lalaking nag akbay dyan at sinasabing nag tangkang kumuha ng Pera ng may kapansanan nating kababayan, mas maiigi sigurong pumunta kana sa aming tanggapan or sa PNP station, Bago ko pa mailabas ang Malinaw na litrato mo sa pangalawang panawagan ko.. Umuwi ka sa bahay nyo kahapon para mag palit lang ng Damit.. kaya uwi na ulit doy, mahirap mag gala gala sa mga Panahong ito....,"

 

 Source: Palawan Insider

No comments