Featured Post

Tatay nagpapakain ng mga pusa sa kalye araw-araw sa loob ng halos tatlong dekada

Source: Dagupan Today

Nakakatuwang isipin na mayroon pa rin mabubuting tao na hindi lamang nagbibigay tulong sa kapwa tao kundi pati na rin sa mga hayop.

Tulad na lamang ni tatay Freddie aka "PUGOT" na may mabuting kalooban para sa mga hayop lalo na sa mga hayop na walang tirahan at nasa kalsada lamang. Tatlong dekada na siyang ay nagbibigay ng makakain para sa mga pusang gala.

Source: Dagupan Today

 Siya ay isang magandang halimbawa na hindi kailangan maraming pera bago tumulong sa mga nangangailangan. Matagal na umano siyang nagtatrabaho sa Lyceum Northwestern University bilang janitor at hardinero din ito ng paaralan. Higit na tatlong dekadang ng naka-bisekleta at araw-araw ang pag-aabot ng pagkain ni tatay sa mga pusang gala sa kalye ng Dagupan City. 

Tila alam na rin ng mga pusa sa kalye ang kanyang oras kaya naman malayo pa lang siya ay nagsisilapitan na ito papunta sa kanya. 

Source: Dagupan Today

Ikinuwento ni Tatay sa isang netizen na dating estudyante ng LNU, na minsan na itong nagkasakit na halos pumànàw na ito. Napanaginipan niya raw na inaaruga at pinakain siya ng mga pusa hanggang sa siya ay gumaling. Kaya naman daw mula noon naging panata na niya ang magpakain sa mga pusang kalye.

Marami ang naantig ng damdamin sa ginagawa ni tatay Freddie sa tulong na binibigay nya sa mga hayop. Nagbigay puri ang mga netizens sa kanilang mga comments at reactions:

"I salute you manong isa kang hero ng dagupan sana marami pang katulad mo na ganyan sa ugali stay safe po manong and god bless you"

"Yeps way back 2016 I think when I was working. After duty around 5am sa tapuac area yung mga pusa nakaabang na mga yan sa kanya. Magsisilabasan sa kani kanilang lungga pag alam na nilang dadaan na si Manong"

"Yup... Nagtataka ako noon tuwing umaga pag naghihintay ako ng masasakyan sa tapuac, may mga pusa din sa gilid ng kalsada na parang may hinihintay... Minsan nkikita ko may mga isdang hilaw silang kinakain... Hanggang sa matimingan ko si kuya, siya pala hinihintay at nagbibigay sa kanila"

"Isa syang anghel pra sa mga pusang gala,napakabuti mo kuya at sigurado ang pagpapala ng Maykapal,sana dumami katulad nya,, di yong masama pagtrato sa mga hayop sana marami maka tulong ke kuya pr mas lumakas pa sya"

"Salut ako kay Manong,palagi ko sya nakikita sa harap ng isang private warehouse sa bandang gaudencio siapno rd,malued-de venecia by pass rd..di lang pusa,pati mga aso pinapakain nya..Sobrang nakakataba ng puso ung advocacy ni Manong..Naway pagpalain po kau ng malusog na pangangatawan ng ating maykapal at ng sa gayun e,maipagpatuloy nyo pa yang magandang nakasanayan na gawain ninyo"
Source: Dagupan Today

No comments