Featured Post

Tanod sa Cebu, iginapang ang pag-aaral, nagtapos na cum laude at isang licensed Engineer na ngayon

 

Source: ABS-CBN News

Isang masipag na tanod at matiyagang mag-aaral ang nakapatapos ng kolehiyo na si Janryll Tan, ang tanod ng Barangay Kalubihan, Cebu. Nakapagtapos ang binata sa kolehiyo bilang Cum laude sa kursong Bachelor of Science in Civil Engineering habang nagbibigay serbisiyo bilang isang Barangay tanod.

 
Source: ABS-CBN News
Namulat na si Janryll sa hirap ng buhay ngunit determinado ito sa pag-aaral, lalo na at valedictorian din siya noong elementarya at high school.

Habal-habal driver ang ama ni Janryll na si Jerry. Sa pag-aaral ni Janryll pinagkakasya niya ang P6,500 na honorarium at financial assistance na binibigay sakanya ng kanyang amang si Jerry para makatulong sa pag-aaral. 

 
Source: ABS-CBN News

Ayon naman kay Jerry, pinagsasabay ni Janryll ang pag-aaral at pagiging tanod. Hindi na iba para sakanya ang makitang niyang isinisingit ng kaniyang anak ang pag-aaral habang nagbabantay sa barangay hall. Sa kabila ng pagsasabay ng trabaho at pag-aaral ni Janryll tingin naman ng Barangay Kalubihan chairman Rex Millan na hindi napapabayaan ni Janryll ang kaniyang responsibilidad.

 
Source: ABS-CBN News

Hindi siya kailanman pinanghinaan ng loob kahit na mahirap ang buhay, kailangan lang daw magbalanse ng oras. Matapos grumaduate sa edad na 23-anyos agad itong nag-review at nag-take ng board exams. Hindi niya alintana muli niyang pinagsabay ang kanyang pagtatanod habang nagsusunog ng kilay. Tulad din ng ginawa niya noong sya ay nag-aaral pa lamang kung saan isinabay din ang pagtatrabaho at pag-aaral.

 
Source: ABS-CBN News

Bumungad ang magandang balita at nakapasa sa civil engineering board exams, kung kaya naman sya isang ganap nang licensed civil engineer.

Talaga naman nakakamangha ang kwento niya dahil hindi lang simpleng trabaho ang pinasok ng binata.
Sa kabila ng mapanghamon nyang papel sa kanilang barangay, nagawa pang mapagsabay ni Janryll ng maayos ang kanyang trabaho at pag-aaral.

Source: ABS-CBN News

No comments