Featured Post

Security Guard sa NAIA nagsauli ng bag na may limpak-limpak na salapi at laptop

Source: ABS-CBN News

Sa kabila ng pagkakaroon ng mga pagsubok sa buhay at pahirapang paghahanap ng mga taong mapagkakatiwalaan, marami pa ring tao ang pinipiling gawin ang mabuti at nagpapatunay na mayroon pa ring matatapat sa ating lipunan.

Sa kabila ng pandemiya likas pa rin sa mga Pilipino ang pagiging matiyaga at masipag sa buhay para sa kanilang pamilya. Marami pa ring nasa puso na nila ang pagiging tapat sa kabila ng pandemiya.

  

Source: ABS-CBN News

Naging usap-usapan sa social media ang isang security guard na nagtatrabaho sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung saan ibinalik niya sa may-ari ang isang bag na naglalaman ng limpak-limpak na salapi.

Pinuri ng mga netizens ang sekyu na si Danny na nagtatatrabaho sa Advance Forces Security ng nasabing paliparan. Ang laman lang naman ng bag ay $10,000 o mahigit P500,000.

Source: ABS-CBN News

Aminado siya na nangangailangan siya ng pera subalit mas pinili niya pa ring magpakita ng katapatan at ibalik sa may-ari ang bag. Alam naman daw niya kasi na ang perang nakalagay rito ay hindi sa kanya.

Ayon kay Danny, wala raw siyang pera noong panahon na iyon at umutang pa ng P100 sa kanyang katrabaho upang may maipambili ng kanyang pagkain. Habang naglalakad sa arrival extension area ng NAIA Terminal 1, nakita umano ng sekyu ang bag sa loob ng baggage cart at mukhang naiwan ng may-ari.

 
Source: ABS-CBN News
Noong tinanong siya kung hindi ba niya naisip na ibulsa ang mga nahanap na pera at laptop, ito ang naging sagot ng sekyu na si Danny:

"Hindi po Sir, Kikitaan ko din po yan."

"Sa tanang buhay ko Sir ngayon lang ko nakakita ng ganoong halaga. Baka nakalaan ang mga perang nasa sobre para sa pang Tuition o pang Hospital."

Source: ABS-CBN News

Bilang bahagi ng pag-iingat, kinuha ni Danny ang bag at pumunta sa Philippine National Aviation Security Bomb Detection Group. Wala namang na-detect na bomba o kahit anong delikadong bagay sa loob nito.

 
Source: ABS-CBN News 
Kalaunan, napag-alamang isang Jessie Amor na isang OFW mula Malaysia ang may-ari ng bag. Nakaramdam daw ng pag-aalala at pagkabahala ang sekyu nang makita ang pera sa loob nito dahil malaki ang halaga nito. Dinala niya ito sa lost and found section ng airport upang maibigay sa may-ari.

Lubos namang nagpasalamat si Amor kay Danny dahil sa pagsasauli ng kanyang bag. Bilang gantimpala, binigyan niya ng $300 o mahigit P14,000 ang sekyu. Isang napakalaking tulong daw para sa sekyu ang natanggap niyang reward dahil isa siyang single parent na may pinapalaking dalawang anak. Ang $200 ay binigay pa umano nito sa mga kasamahan sa trabaho.

 

Source: ABS-CBN News

No comments