Featured Post

Sampung taong gulang na bata, Nagtitinda ng balut upang mapa-operahan ang Nanay na may Stroke

Source: Ashley Jimenez/ Facebook

May ibang bata na hindi dinaranas ang mga bagay na dapat maranasan ng isang bata, tulad ng paglalaro, pag-aaral, walang mga iniisip na resposibilidad. Sadyang nakakalungkot isipin na hindi lahat ay pinalad na maging isang normal na batang malayang makapaglaro.

Sa murang edad ay kailangan ng maghanap-buhay upang tumulong sa kanilang pamilya. Ang iba ay kailangang tumigil ng pag-aaral, maging ang paglalaro ay kailangan munang kalimutan at akuin ang isang responsibilidad na dapat sana ay para sa kanyang mga magulang at kapamilyang mas nakatatanda.

Source: Ashley Jimenez/ Facebook

Tulad ng kwento ng isang batang si Samuel E. Miguel,  sa murang edad ng 10 taon ay kinakailangan ng maghanap-buhay para maipagamot at mapa-operahan ang nanay niyang na-stroke.

Isang netizen ang nagpost ng kalagayan ng bata na si Ashley Jimenez, Mula sa kanyang post ibinahagi ang istorya ng bata, sadyang tumutulong diumano ang bata sa nanay nito na magbenta ng balot sa kanilang lugar. Sa hindi inaasahang pangyayari ay natumba at nabagok ang nanay nito at na stroke.

 
Source: Ashley Jimenez/ Facebook

Sa kadahilanang ito kinailangan ng mag-trabaho mag-isa ng sampung taon na si Samuel para maipagamot niya at maoperahan ang kaniyang mahal na ina.

Narito ang paghingi ng tulong na post ni Ashley:

"Baka po may gustong tumulong sakanya nagtitinda sya ng balot araw araw siya nadaan dito sa colayco na kasama mama niya kaso nabagok mama niya and na half stroke yung mama niya. Samuel E. Miguel, 10 years old palang siya nagtitinda siya para daw may pang opera yung mama niya
Sa mga gusto pong tumulong paki pm nalang po ako maraming salamat."

 
Source: Ashley Jimenez/ Facebook

At sa kabutihang loob ni ashley, marami ang nagpaabot ng pagnanais tumulong sa bata.
Ang naturang post ay sadyang nag-trending at umani ng napakaraming reactions, comments at shares sa Facebook. 

Source: Ashley Jimenez/ Facebook

No comments