Featured Post

Sa tulong ng aso isang buhay na sanggol ang natagpuan sa tambakan ng basura sa Cebu

Source: ABS-CBN News

Natagpuan ang sanggol na lalaki ng isang motorcycle rider na dumadaan sa Bgy. Magcagong bago magtanghali noong bisperas ng Pasko sa tulong ng isang aso.

Nakilala ang motorcycle driver na si Junrell Fuentes Revilla. Siya ay nakasakay sa kanyang motorsiklo at binabaybay ang bundok ng Sibonga sa Cebu nang magsimulang sundan siya ng isang aso. Ang aso ay desperadong tumahol ng tumahol,  para sa mapansin siya ni Revilla. Napansin ng biker na may sinusubukang sabihin sa kanya ang aso, kaya pinahinto niya ang kanyang motorsiklo at lumapit sa aso.

Source: ABS-CBN News

Sinundan ni Revilla ang asopatungo sa isang dumpsite, laking gulat nito ng makita nito ang isang sanggol, na nakabalot ng brown na tuwalya, habang nasa tabi ang isang itim na plastic bag na naglalaman ng kanyang placenta.

Kinuha ni Revilla ang bagong panganak at isinugod ang sanggol sa pinakamalapit na hospital.
Dinala ni Revilla ang sanggol sa Deiparine Community Hospital para mabigyan ng medikal na atensyon. 

 
Source: ABS-CBN News

Pinangangalagaan siya ngayon ng Municipal Social Welfare and Development Office ng lugar.
Salamat sa mabilis na pag-iisip ng aso, ang sanggol ay natagpuan sa tamang panahon at nasa mabuting kalusugan pa rin.

Source: ABS-CBN News
Nang kumalat ang lokal na kuwento ng kabayanihan ng aso sa lokal na balita, ang mga volunteers ng rescue Hope for Strays ay sumugod sa mga bundok na umaasang matagpuan ang dakilang aso. Isang lalaki ang dumating at nagpakilalang may-ari ng asong si Blacky.
Source: ABS-CBN News

Ang mga volunteers ng rescue Hope for Strays ay napanatag na si Blacky ay may isang maayos na tahanan, ngunit maliwanag na ang aso at ang kanyang pamilya ay nangangailangan pa rin ng tulong. "Gaano man kahirap ang buhay, kahit mahirap ako, pinapakain ko ang lahat ng aking mga aso at inaalagaan ko sila ng maayos".

Source: ABS-CBN News

Si Blacky at ang kanyang pamilya ay nakatanggap mula noon ng isang pagbuhos ng suporta mula sa kuminidad, tulad ng mga donasyon ng pagkain, mga supply ng alagang hayop at marami pa. Habang maaaring hindi ito alam ni Blacky, binago niya ang hinaharap para sa kanya, sa kanyang pamilya at isang napakaswerteng sanggol na babae.

 

Source: ABS-CBN News 

No comments