Featured Post

Pulis bumunot ng bàril habang nakikipag tàlo sa pinapalayas na renters matapos hindi makabayad ng dalawang buwang renta sa bahay

Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook

Maraming nagkalat na video ngayon sa social media kung saan ang ilan sa mga nagrerenta ng bahay ay pinapalayas sa kadahilanang hindi makapag bayad ng renta. Sa panahon ng pandemiya maraming nawalan ng mga trabaho. Marami ang humina ang mga pinagkakakitaan. Lalo pang naging malaking perwisyo ang mawalan ng tirahan sa ganitong panahon.  

 
Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook 

Tulad na lamang ng Video na nagtrending sa social media. Makikita sa video ang isang pulis na nagpaparenta ng bahay na tila nagtàtàlo. Mula sa post ni Mary Cuer Nobleza, pinalayas sila sa kanilang nirerentahan sa Pasay city. Gàlit at pilit raw silang pinaalis noon kahit sa panahon ng pandemiya at naka lockdown pa ang buong metro manila. 

Wala silang nagawa at umalis sila kahit kaunti lang daw ang nadala nilang gamit dahil walang masakyan at kinailangan pa nilang lakarin mula Pasay hanggang Antipolo.

Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook

Nagbakasakali at binalikan nila ang mga natirang gamit ngunit tinapon na daw ang mga hindi mapakinabangan at itinago ang iba. Hindi daw ibibigay ang kanilang mga gamit pag binayaran nila ang dalawang buwan na bayad sa renta.

Makikita at maririnig sa video na ang pulis na may-ari ng paupahan ay sinasabing binàstos daw ang kanyang anak. Nàgbàntà pang kung gusto raw nila ng gulo ay pwede niya tawagin lahat ng kamag-anak doon. Anim daw ang kanyang paupahan at marami siyang kamag-anak na pwedeng tawagin.

Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook 

Nakauniporme pa ang pulis at bumunot ito ng bàril habang nakikipagtàlo sa umuupa sa kanilang paupahan.
Maririnig sa video ang sinambit ng Pulis ang kanyang pagbàbàntà ng pàtàyàn.
Dagdag pa niya dati na siyang gàgo bago pa maging pulis kaya kayang-kaya niya ng sabayan.

Narito ang video ng pagtàtàlo:

 

Source: Mary Cuer Nobleza / Facebook 

No comments