Featured Post

"Proud Kasambahay, Proud Magna Cum Laude" katagang mula sa isang mahirap ngunit determinadong estudyante ng Cagayan

Source: Jarel Tadio

Kailanman hindi magiging hadlang ang kahirapan upang makamit ang mga pangarap sa buhay. Ito ang napakagandang pananaw upang maging determinado sa buhay at makamtam ang mga pangarap.

Proud ang isang mag-aaral mula sa Tuguegarao, Cagayan City, na kinilalang si Jarel Tadio, kahit mahirap ang buhay nagpursige ito para sa pag-aaral. Sa pamamagitan ng pagpasok niya bilang isang kasambahay nagawa niyang itaguyod ang kanyang pag-aaral hanggang makapagtapos siya ng kolehiyo.

Sa Facebook post ni Jarel makikita ang kanyang kasayahan at ipinagmamalaking ibinahagi ang kanyang mga larawan na kuha sa araw ng pagtatapos niya sa kolehiyo. Mapapansin sa larawan niya ang kanyang hawak na napakaraming medalya at isang karatula na mayroong nakalagay na katagang “Proud Kasambahay, Proud Magna Cum Laude.”

 

Source: Jarel Tadio

Ibinahagi ni Jared sa kanyang Post kalakip nga ng mga larawan na kuha noong kanyang graduation at ang caption kung saan ay ikinuwento niya ang dahilan kung paanong ang kahirapan ng buhay ng kanilang pamilya ang siya niyang naging inspirasyon upang magpursige sa buhay at sa kanyang pag-aaral. 

Batid niya na ito ang kanyang magiging sandata upang matupad ang pangarap na maiahon ang pamilya sa kahirapan.
Dagdag pa ni Jareld, siya ay isang batang namulat sa kahirapan ngunit may pangarap na maka-ahon sa kahirapan ng buhay para sa kanyang mahal na pamilya.

Source: Jarel Tadio

Ito ang paglalahad ni Jared:

“Wala. Wala akong gustong maging in the future ko. Basta maayos ko lang ang buhay nina mama, ok na ako.”

“Namasukan ako bilang maid. Pero taas nuo ako sa naging trabaho ko. Marangal yun. At ang masaya dun, libre na nag tulugan, libre pa ang pagkain, libre meryenda, libre tv, libre cable, libre wifi. San ka pa!”

“Mahirap maging working student, aral sa umaga, trabaho sa hapon at gabi… Maliban pa dun, may mga taong hindi yata masaya na makita kang nagsisikap makamit ang pangarap mo.”

“Ma, Pa, ito na po ang bunga ng bawat pagod, bawat puyat, bawat sakripisyo, bawat hirap at bawat luha… Graduate na po ang anak niyo at ito ay dahil sa hindi niyo ako pinabayaan, dahil sa pagtitiwala sa aking kakayahang tapusin ng matapang at tahakin ng may takot sa Diyos ang aking nasimulan.”

“Huwag kayo mag-alala mama, papa, etong speech at yung diploma muna ang tanggapin niyo, pauna palang to, sa susunod may sobre na po.”

 
Source: Jarel Tadio

Sa kabila ng maraming hirap na kanyang pinagdaanan sa kanyang pag-aaral, ay matagumpay naman itong natapos ni Jareld noong taong 2018 at nakapagtapos sa kolehiyo sa kursong Hotel and Restaurant Management, sa Cagayan State University.

Talaga naman nakakabilid ang determinasyon ni Jared sa buhay na sana ay maisip at tularan ng iba pang kabataan kahit mahirap ang estado ng pamumuhay ay hindi magiging hadlang sa pangarap.

Source: Jarel Tadio

No comments