Featured Post

Palaboy na nagsauli ng napulot na pitaka na naglalaman ng limpak-limpak na salapi, bahay at trabaho ang naging pabuya

 

Source: Coconuts Bangkok

Tayong lahat ay nangangarap na magkaroon ng sariling bahay. Ang ilan ay walang sariling tahanan, ang iba ay nakikitira sa mga kamag-anak o nagrerenta ng bahay. Kaya naman marami sa atin ang naghahangad na magkaroon ng sariling tahanan ngunit, hindi rin biro ang perang kailangang ilaan sa pagpapagawa nito.

Idagdag pa na sa hirap ng buhay, lalo na sa panahon ngayon, tila mabagal ang pag-unlad ng bawat isa. Mapalad ang pamilyang may maayos at sariling tinitirhan at hindi kailangan magrenta.

                                                                                   Source: Coconuts Bangkok
Sa kabila nito, nakamamanghang isipin na mayroon pa ring mga taong gumagawa ng kabutihan. Katulad na lamang ng 45 taong gulang na lalaki na kinilala bilang si Woralop – wala siyang tahanan o kahit trabaho.

Sa kanyang paglalakad, nakasalubong niya ang isang lalaking bigla na lamang nahulog ng pitaka sa kanyang unahan. Nang pinulot na ito ni Woralop, nagulat siya nang makita ang laman nito na mayroong 20,000 baht o mahigit-kumulang P30,000.          

 
Source: Coconuts Bangkok

Lubos man ang pangangailangan sa pera, hindi nagdalawang-isip si Woralop na habulin ang lalaki upang ibalik ang pitaka. Subalit, ang may-ari nito ay hindi na niya nahabol pa. Kaya naman, nagpasya siyang magtungo sa pinakamalapit na himpilan ng mga pulis. Ilang sandali lamang ang lumipas ay dumating din ang may-ari ng pitaka.
Source: Coconuts Bangkok
Kinilala ang may-ari bilang si Nitty Pongkriangyos, isang negosyante at may-ari ng pagawaan ng bakas sa Thailand. Labis ang tuwa ni Nitty sa katapatan ni Woralop kaya agad niya itong kinuha sa kanyang kompanya nang malaman niyang wala siyang trabaho.   
Source: Coconuts Bangkok
Bukod dito, binigyan din ng negosyante ang tapat na lalaki ng sarili nitong kuwarto sa employee hostel at hindi na nito kailangan maghanap ng titirhan o magrerenta. Ang kasintahan naman ni Nitty na si Tarika Patty ang siyang bumili ng ilang mga gamit na ibinigay niya kay Woralop. 

                                                                                 Source: Coconuts Bangkok

Talaga namang ang kabutihang ibinigay sa kapwa ay kabutihan din ang balik sa atin. Isang magandang halimbawa si Woralop ng isang tapat at mabuting tao.

Source: Coconuts Bangkok

No comments