Featured Post

Nilakbay ng Mag-amang hindi pinasakay ng bus ang 459km na layo mula Surigao hanggang Davao del Sur upang saklolohan ang isa pang anak

 

Source: Danilo Calzadora/Facebook

Pamilya ang pinakaimportante sa lahat. Lalo na sa isang Ama na isang haligi ng tahanan at gagawing lahat maprotektahan lamang ang mahal na pamilya. 

Kahit na sa malayong lugar pa ang kailangang baybayin para lamang bigyan tulong ang kapamilya ay gagawin nito. Ito ang wagas na pagmamahal ng isang ama sa pamilya lalo na sa anak nito. 

 
Source: Danilo Calzadora/Facebook

Nakakapanlumong mabalitaan na ang mag-amang ito ay naglalakad upang makauwi sa Davao del Sur mula Surigao dahil gusto nitong makita ang isa pang anak na sinasaktan daw ng kanyang misis sa Bansalan, Davao del Sur.

Isang netizen na si Danilo Calzadora ang nagbahagi sa social media na nakita niya ang mag- amang ito sa Panabo City na naglalakad na may tulak-tulak na kariton.

 
Source: Danilo Calzadora/Facebook

Si Tatay Reynante Quintos na nakitang naglalakad na may tulak na kariton kung saan nakasakay ang kanyang anak. Inilahad ni Tatay Rey na kulang daw ang papeles na kinakailangan kagaya ng travel authority at medical certificate upang makapag byahe kaya naman hindi sila pinahintulutang sumakay sa bus mula Surigao pauwi sa kanilang lugar sa Bansalan.

 
Source: Danilo Calzadora/Facebook
Nakarating kay Tatay Reynante ang balitang sinasaktan at binubugbog umano ng kanyang asawa ang isa pa niyang anak sa kanilang sariling bahay sa Bansalan. Kaya agad siyang gumawa ng paraan upang sumaklolo ay makauwi kasama ng kaniyang anak.

 
Source: Danilo Calzadora/Facebook

Umaraw man o umulan ay patuloy pa din ang kanilang paglalakbay. Walang pag-aatubiling tiniis ng mag- amang ito ang init at lamig. 

Bilang tulong ng Netizen na si Danilo sa mag- ama, binigyan niya ito ng kaunting pera upang makapag pagawa ng maliit na kariton na maaari nilang magamit sa paglalakbay at maaaring mapagpahingahan.

 
Source: Danilo Calzadora
Sana ay tinulungan man lang sila ng local na pamahalaan upang mas naging ligtas ang kanilang pag- uwi mas naging mabilis ang pagsaklolo sa isa pang bata.

 Source: Danilo Calzadora/Facebook

 

No comments