Featured Post

Nakapagtapos bilang Cum laude ang pinayuhan na mag-aral sa TESDA o tumigil na lang sa pag-aaral at magtrabaho

 

Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook

Dahil sa hirap ng buhay at hindi kayang pag-aralin ng isang tatay na tanod at kasambahay na ina ang kanilang anak, pinayuhan na lamang nila ang kanilang anak na mag TESDA o tumigil na lamang sa kanyang pag-aaral. Ngunit isang determindadong mag-aaral ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan sa pagtatapos ng pag-aaral at makamit ang mga pangarap.

Ito ang kwento nag Jhonrick Art Catindoy Orense, isang cum laude na nagtapos na may degree na Bachelor of Arts in Journalism mula sa International Peace Leadership College sa Tanay, Rizal, ay nagsulat ng mismong mga salita sa kanyang viral Facebook post noong Sabado, Abril 6.
 

Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook

Dahil sa kalagayan ng kanilang pamilya sa buhay, kinailangan niyang makarinig ng mga sumusunod na salita mula sa kanyang mga magulang, pagkatapos niyang magtapos sa high school: 

"Nak, mag-TESDA ka na lang." “Magtrabaho kana lang muna.” "Wala pa tayong pera."
Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook

Kahit na nakapasok siya sa kolehiyo at nakakuha ng mga iskolarsip, naharap pa rin si Orense sa mga pinansiyal na kahirapan habang nag-aaral.

Si Orense ay kumuha ng mga pansamantalang trabaho, tulad ng paggawa ng mga mural para sa mga paaralan, at pagdidisenyo ng mga logo para sa mga club at samahan. Ginamit niya ang perang kinita niya para sa kanyang allowance at iba pang bayad sa paaralan.

Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook

Sa kabila ng mga paghihirap sa pananalapi, si Orense ay isang paring Dean's Lister hanggang sa nagtapos siya, isang katotohanan na hindi niya sinabi sa kanyang pamilya dahil nais niyang sorpresahin sila, lalo na ang kanyang mga magulang.

Narito ang nakakainspire na mga kataga ni Orense:

"Ang pagkabigo ay naroon ngunit gumawa ako ng unang hakbang upang makapag-aral sa kolehiyo nang hindi nila alam. Nagsimula akong mag-aplay para sa mga iskolar at kumuha ng mga pagsusulit sa pasukan sa iba't ibang kolehiyo at unibersidad."
“Since hindi naman po ganun kalaki yung kinikita ni tatay sa pagiging tanod, at kasambahay ni Inay. Madalas pong kumukuha yung nanay ko ng advance payment sa amo para may maipambayad po kapag may biglaang bayarin,”

“I surprised them after ng deliberation po namin. Iyak po ng iyak. Kasi akala po nila gagraduate lang ako. Sobrang saya po nila nung nalaman na may Latin honors po ako,” 

 

Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook
 

“I finished my college kasi ayoko nang maulit yung mga moment na walang laman ‘yung bigasan namin. Asin ‘yung ulam ni tatay at baon niya sa trabaho tapos si inay kamatis lang at kape,”

“This is not to boast my achievements. Rather, I am posting this to inspire and motivate everyone who think they can't. Just like you, I am just an ordinary person but I chose to do things extraordinarily.”

Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook

Si Orense, ang nag-iisang nagtapos sa kolehiyo sa apat na magkakapatid sa kanyang pamilya, at nagbigay inspirasyon sa kanyang mga kapwa mag-aaral, na pinatutunayan na ang kahirapan ay hindi palaging hadlang sa tagumpay. Hangga't ang isang tao ay may pananampalataya at determinasyon sa buhay siguradong makakamit ang mga pangarap.

Source: Jhonrick Art Catindoy Orense/ Facebook

No comments