Featured Post

Nakakatakot na anino ang nakita sa likod ng babae na nakunan sa larawan habang karga ang kanyang pamangkin

Source: Arlaine Villosabri/Facebook

Sa ating mundong ginagalawan marami ang mga bagay na hindi maipaliwanag. Mga misteryong mahirap paniwalaan.

Kumakalat sa social media ang mga post ng netizen na si Arlaine Villosabri kung saan may napansin itong kakaiba sa kuha ng larawan niya at ng kaniyang pamangkin. Siya pa raw mismo ang nag-open ng camera sa cellphone at wala rin kahit anong application o filter na ginamit.

Kinuhanan siya ng kapatid ni Arlaine at nakailang beses na pagkuha ng litrato sa mag-tita at nang tingnan na nila ang larawan, laking gulat na nila sa nakita. Wala naman daw napansing kakaiba si Lean noong kinuhaan niya ng pictures ang mag-tita. Ngunit nang tignan ni Arlaine ang mga larawan ay napansin niya ang kakaibang anino sa kanyang likuran. Karga ni Arlaine ang pamangkin kaya naman nakatiklop ang mga braso nito, ngunit makikita sa larawan na ang anino niya bagaman payat din ay nakalaglag ang braso nito na parang wala namang buhat. 

Source: Arlaine Villosabri/Facebook

Lalo namang nakakapanindig balahibo ang mga sumunod na larawan dahil lalong naiba ang anino na animo'y nakasuot na ito ng mahabang damit at masyado nang nakabaluktot. Habang si Arlaine naman ay matikas pa rin iba na ang posisyong ng kanyang anino. Pinakita nila ito sa ilang kasamahan sa bahay nang araw na iyon. Pinayuhan siya na huwag nang babalik sa bahay na iyon bago pa man kung ano ang mangyari sa kanya. 

Ito ang post ni Arlaine sa kanyang Facebook:

“Isa sa pinakanghindi ko inaasahang sa aking sarili firstym ko po pumunta sa bahay ng byanan ng aking sister..sabi ko sa aking sister picturan kami ni baby kc katatapos lang dumide para padighalin at ako po nagbukas ng cp ko at ilagay sa camera..maniwala kayo at sa hindi wla po i2ng edit at hindi ako marunong non..pagkatapos nya kaming picturan ni baby tiningnan ni sister ung picture namin cguro hindi nya napansin ung anino ko...sa 22o lang po karga ko ung pamangken ko at ung 2 kung braso nman nakataas po..pero tingnan nyo po ang aking braso nakababaa at ung anino ko masyadong baluktot at tuwid din ang aking anino..ng maipakita ko sa aking sister nangilabot sya at pinakita ko sa byanan ni lean at asawa nya nangilabot din cla..at pinakita ko kila ate lailah at kuya tony at kainuman nila hindi cla makapaniwala sa kanilang nakita..at wag na dw akong babalik sa bahay ng byanan ni lean..dios ko wag nman sana mangyari na meron mangyari sakin masama..lord u guide me plz.”

Source: Arlaine Villosabri/Facebook 

Talaga naman nakakapangilabot makita ang sarili mong larawan na may nakakakot na anino. Lalo na siguro kung mag-isa mo pa itong makita.

Nangilabot din sa takot ang ilang netizen na nakakita ng mga larawan at ito ang kanilang mga nasabi:  "Ala mare anu yan.... nakakakilabot nman yan" "Kahit aq mare pag tinitingnan q ung anino.. hindi ikaw eh" "Nku zel wag kna pumunta dun dhil nkktakot ..s anino mo hindi ikaw yan" " oO nga kktkot ehhh" " scary nga... pero pd rin anino yan ng nagpicture sayo..." 

Source: Arlaine Villosabri/Facebook

No comments