Featured Post

Nag-aalala sa napakagandang batang nagtitinda ng sampaguita ang mag-asawa dahil sa halos abutin ng hating gabi sa kalye

Source: buzzooks

Hindi lahat ay mapalad sa buhay, kung ang ilan ay may marangyang buhay ang ilan naman ay mahirap ang buhay. Sapat lamang ang kinikita sa pang araw-araw at ilan pa ay kailangan magtinda sa mga kalsada ng ilang oras, matanda man o bata.

Mas nakakalungkot isipin na maraming bata ang nakatira at nagtitinda sa kalye. Dahil sa wala silang ibang pupuntahan nananatili sila sa kalsada hanggang sumapit ang gabi.

Source: buzzooks

Tulad na lamang ng ibinahagi ng mag-asawang sina Honney RJ at Onnie Balasabas na nilapitan sila ng isang mapakagandang batang babae na nagtitinda ng sampaguita habang sila ay na-traffic. Sa Facebook page na post ni Honney, napag-alaman niya sa kanyang asawa na madalas maglako ang bata na inaabot pa ng hanggang alas-onse ng gabi.
 

                                                                                                  Source: buzzooks

Nagandahan si Honnney sa taglay na ganda ng bata kaya naman kinuhanan niya ito ng litrato. Tinanggihan naman ng bata ang alok ni Onnie na bayad sa sampaguita at ilalako niya pa raw ito sa iba pang mga motorista. Ipinaliwanag din niya na gusto na niyang umuwi.

Hinangaan ni Onnie ang bata, ngunit  hindi niya maiwasang mag-aalala rin siya sa pagtitinda nito na inaabot pa ng hanggang gabi. Sa taglay na kagandahan, nangangamba si Honney na baka may mga taong manamantala sa bata o kaya naman ay dalhin ito sa kung saan upang pagkakitaan ang kanyang ganda.
 

                                                                                                  Source: buzzooks 

Dagdag pa sa kanilang post , ibinahagi pa ni Honney na nakita ulit nila ang bata pagkalipas ng ilang araw. Ngumiti ang bata ng kunan niya ito ng litrato at panalangin ng mag-asawa na nawa ay maging ligtas lagi ang bata sa kanyang pagtitinda sa kalsada.
 

Source: buzzooks

No comments