Featured Post

Naantig ang puso ng netizen sa isang matandang mag-isang nagdiwang ng kanyang 69th birthday sa isang fastfood

Source:  Trixie Ann Eras Manuel/Facebook

Pinakamahalagang idinadaos taon-taon ang kaarawan dahil ito ang araw ng kapanganakan ng isang tao. Ipinagdiriwang ang kaarawan sa pamamagitan ng pagtitipon-tipon ng isang pamilya at mga kaibigan nito.


Napakasayang ipagdiwang ang kaarawan kung kasama ang mga mahal sa buhay. 

Sa social media nagtrending ang post ng isang netizen na si Trixie Ann Eras Manuel ay kasalungat naman, kung saan ay ibinahagi nito sa kanyang Facebook page ang isang tatay na nag-celebrate mag-isa ng kanyang kaarawan sa isang fast food chain.

 

Ibinahagi ng netizen na si Trixie, na sobra siyang nàlungk0t nang makita niya si tatay na nagdaraos ng kaarawan nito ng mag-isa. Wala kasamang kapamilya o kaibigan.

 

 
 Source:  Trixie Ann Eras Manuel/Facebook

Ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-69 taon ng kanyang kaarawan habang ipininapakita niya ang kanyang handa sa kanyang asawa at mga anak sa pamamamagitan ng pag-video call sa telepono.

 

Ito ang pahayag ni Trixie:

  "Sobra akong nalungkt nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko. Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi.." 

 "Habang ipinapakita ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa't mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono hindi ko alam kung anong lungkt ang bumabalot sa aking puso."

"Para sa iyo Tatay nawa'y bigyan ka pa ng panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay. Mag-iingat ka po lagi Tay ..MALIGAYANG KAARAWAN PO SA IYO TATAY AT PAGPALAIN KA.. "

 

Source:  Trixie Ann Eras Manuel/Facebook

Naantig ang maraming netizen sa post na ito ni Trixie at marami din ang nagpahatid ng pagbati kay tatay.


Mag-isa mang nag celebrate ng kaarawan si tatay ay hindi ito naging hadlang para siya ay maging malungkot at magmukmok , bagkus ay makikita pa ang saya sa kanyang mga mukha.


Source:  Trixie Ann Eras Manuel/Facebook


Mula sa isang komento ng netizen na nagpakilala na kapitbahay ni siya ni tatay at tinatawag nila siyang kuya zumba dahil mahilig daw itong mag-zumba at nasa ibang bansa raw ang kanyang pamilya.

 Ito ang post ng isang netizen.

  "Pinakita ko sa anak ko yung picture, Sabi Nila c Kuya zumba yan ma ah,same din tingin ko,kung di kami ngkamali kapitbahay namin yan.Nasa ibang bansa pamilya Niya xa lang andito.may mga paupahan sila.mahilig yan xa magzumba kaya Kuya zumba tawag namin..bumili yan ng pandesal ka samin kanina, birthday pala Niya."

 Source:  Trixie Ann Eras Manuel/Facebook

No comments