Featured Post

May problema sa pagiisip na babae ikinulong, magulang humihingi ng tulong na maipagamot ang anak

Source: Gigi/Facebook

Isang netizen na nagngangalang Gigi ang nagdulog sa kanyang Facebook account para iparating ang kalagayan ng kanyang kaibigan na babae na may alyas na "Bebe", 29 taong gulang mula sa Negros Occidental.

Si Bebe ay may problema sa pag-iisip kaya naman sa kasalukuyan ay nàkàkulong mismo sa loob ng kanilang tahanan upang hindi makalabas ng kanilang bahay.

Source: Gigi/Facebook

Labag man sa kalooban at mahirap para sa pamilya ni Bebe na gawin ito kay Bebe mas inisip nalang nila na ginagawa nila ito para na rin sa kaligtasan ni Bebe dahil kapag nakalaya at lumabas ito ay nananakit at napupunta sa malalayong lugar.

Ang karamdaman ni Bebe ay nagsimula noong taong 2009 at gumaling ito sa isang mental facility taong 2014 ngunit hindi rin nagtaggal ay bumalik ang karamdaman nito sa pag-iisip sa kadahilanang nagkaroon ng sakit ang kanyang ama at wala na silang pantutos sa pampagamot ni Bebe.

Source: Gigi/Facebook

Kaya naman naisipan ng mga mabuting kaibigan ni Bebe na iparating ang mensaheng ito sa may mabubuting puso upang humingi ng tulong at maipagamot muli si Bebe.

Narito ang kanyang post sa paghingi ng tulong sa social media: 

"Good day, friends."
"Kumakatok po kami sa inyong mga puso para matulungan kaming maipaabot ang sitwasyon ng isang kaibigan sa mga media o programang pangtelebesyon tulad ng #KMJS15 at #Raffytulfoinaction. for professional help.

Ang nasa mga sumusunod na larawan ay si alyas Bebe, 29 taong gulang, pangalawa sa limang magkakapatid from Brgy. Maquiling, Sagay City, Negros Occidental, wala sa matinong pag-iisip since 2009. Cause: Nervous Breakdown. 

Napatingnan at na treat na sya noong 2014 sa isang mental facility ngunit dahil nagkasakit ang kanilang ama ay hindi na kaya ng kanilang pamilya ang gastusin sa pagpapa gamot sa kanya.

Noong hindi pa siya kinuklong, merong cases na nag hahallucinate o di kaya'y nananakt, lagi din siyang umaalis ng bahay at kung saan-saan pumupunta, kahit gabi na o kahit malayo. Napag desisyonan ng kaniyang pamilya na siya ay ikulng na lamang, sa pangamba ding baka sya ay mapagsamantalahan o madisgrsya.

Ngayon, ang gusto lamang ng kanyang pamilya ay makarating ang mensaheng ito sa mga taong may pusong tumulong pinansyal o kahit sa panalangin.
Please share this and use #KMJS15 and #Raffyrulfoinaction. You can comment using these hashtags, too..Maraming salamat.. Merry Christmas.."

 

"(The real name and face of "Bebe" is covered as per request of her family)
"PS: I asked and had their family's permission/consent to make this post.

 
Source: Gigi/Facebook

Ito ang dagdag ni Gigi sa kanyang post:

"Update: Marami pong nagtatanong kung bakit ganyan ung suot nya, marami ding nanghuhusga na kesyo nagmomodel modelan lang sya at pinapabayaan ng pamilya, sa totoo lang po, nginangatngat nia po o di kaya pinupunit ang mga damit nya, actually pgkatapos po namin syang picturan niligo at binihisan po sya kaya lng hindi na kmi nakapicture. Ung klungan nya po hindi sya jan kasya, malaki lng tingnan ung mga butas sa pictures kasi malapitan ung pagkuha. Ang klungan niya po ay nasa loob lamang ng bahay nila, noong hindi pa sya kinuklong ay nagiging byolente sya minsan at kung saan2 pumupunta, sumasakay ng bus at umabot pa nga yan ng Cebu kaya hindi nio po masisisi ang pamilya nyang iklong nalang sya dahil baka mapahamak o hindi nila matagpuan pag naglayas o hindi naman ay baka mapagsmantalahn at mabuntis, mas minabuti nalng nilang iklong sya upang mapayapa din sila at para sa safety ni Bebe, please po, wag po kayo agad2 mag comment ng mga judgement niyong hindi naman totoo dahil hindi nio naman po alam ang buong istorya at tunay na pinagdadaanan ng kanilang pamilya, sana mapagod na kayong maghasik ng negativity sa universe"
Source: Gigi/Facebook

No comments