Featured Post

Matandang napagkamalang pulubi at hindi pinansin sa isang Motor Shop, bumili ng mamahaling Harley Davidson na nagkakahalaga ng Php 900k

Source: MPjr tv

Sa panahon ngayon karamihan ay bumabase sa panlabas na itsura at estado sa buhay.
Tila nakakalimutan ng mga tao ang kasabihang "Don't judge a book by its cover". Ito ang kasabihan na madalas nating naririnig ngunit madalas ay hindi naisasagawa. Marami ng mga tao ang mapanghusga, sa kanilang kapwa mula sa pisikal o panlabas na kaanyuan nito, hindi man ito sinasadya o minsan ay intensyunal.

Source: MPjr tv

Tulad na lamang ng isang matandang lalaki na napagkamalang pulubi na sinubukang pumasok sa tindahan ng isang mamahaling motorsiklo. Nakilala sa pangalan na Lung Decha mula sa Thailand ang matandang lalaki at isang retiradong mekaniko.   

Source: MPjr tv

Sa kanyang pagpasok sa motor shop hindi siya pinansin ng mga tagabantay doon dahil sa kanyang pananamit na may suot lamang na malaking t-shirt, tainelas at pantalon na sirĂ -sirĂ  at sa kanyang hitsura na mahaba ang buhok, sinamahan pa ng makalumang kwintas at isang maduming pantalon. Pumasok ang matanda upang tumingin ng kanyang bibilihin, ang ilan sa mga nagbabantay doon ay tiningnan lamang sya.                          
Source: MPjr tv
Inakala ng mga salesman sa motor shop na isa siyang pulubi at hindi kayang makabili mamahaling at magarang motorsiklo. Napasimangot at nagusap-usap ang mga salesman sa gilid at pinag-dedesisyunan nila kung papaalisin na ang matandang lalaki sa kanilang shop dahil sa paniniwala na malas lamang ito sa kanilang negosyo.

Source: MPjr tv

Source: MPjr tv

Napagdesisyonan ng matanda na umalis na lamang ng kusa. Sinuyod pa ang ibang mga tindahan ng motorsiklo ngunit parehas ang trato sa kanya tulad ng unang shop. Naghanap pa umano ito ng ibang shop. Mayroong bukod tanging tindahan na pinansin at inasikaso ang matanda katulad, na may pantay na trato sa iba nilang mga customer. Natuwa ang matanda dahil hindi siya hinusgahan ng nasabing shop mula lamang sa kaniyang panlabas na itsura.      

Source: MPjr tv
Binili umano ng matanda ang isang Harley Davidson na motorsiklo na nagkakahalaga ng tinatayang 600,000 baht o katumbas ng mahigit na P900k sa ating bansa. Laking gulat ng manager at maging ang mga empleyado dahil cash pa niya itong babayaran.
Source: MPjr tv

Ilang araw matapos niyang bumili ng motor ay bumalik ang matanda kung saan ang kanyang hitsura ay ibang-iba at dala- dala ang kanyang motor upang magtanong ng mga gamit o accesories sa naturang shop.

Source: MPjr tv

Source: MPjr tv

No comments