Featured Post

Magnanakaw tinanggihan ang perang binibigay ng matanda at hinalikan pa sa noo upang kumalma


Source: Good Times

Pinasimple ng modernong teknolohiya ang pamumuhay ng tao sa bawat larangan ng buhay.
Ang mga bagay na tila imposible sa nakaraan ay madali nang gawin dahil sa teknolohiya ngayon.
Lahat ng tao sa buong mundo ay gumagamit na at nakikinabang na mula sa modernong teknolohiya tulad ng mga cellphone, gadget, appliances at CCTV camera na sobra nakakatulong sa pang araw-araw.

Sa panahon ngayon mas madaling malutas ang mga krimen, nakakakuha ng video ng mga aksidente, hindi inaasahang pangyayari at makilala ang mga taong kasangkot sa paggamit ng mga CCTV camera.

 
Source: Good Times

Tulad ng isang insidente sa Brazil kung saan nahuli ng CCTV ang isang pagnanakaw ngunit may napansin silang kakaiba sa video.

Ayon sa video, makikita ang dalawang lalaki habang ginagawa ang kanilang pagnanakaw.
Habang ang isang lalaki ay abala sa pagkuha ng pera at paghahanap sa may-ari ng parmasya, ang isa pang lalaki na naka-helmet ng motorsiklo ay nakatayo lamang doon na may hawak na bàril.

 
Source: Good Times

Isang surveillance camera sa loob ng parmasya ang nagpakita sa suspek na nakikipag-usap sa babae habang ang kanyang kasabwat ay nanakawan sa empleyado ng tindahan.
Ipinapakita rin sa video ang isang matandang babae mula sa hilagang-silangan ng Brazil at tila hindi alam ang gagawin.

Ang matandang babae, na nakatira sa isang bahay na malapit sa botika, ay lumapit sa suspek at sinabi sa kanya ng matanda na kunin na din niya ang kanyang pera.

Ngunit ang magnanakaw ng parmasya sa Brazil ay pinakalma ang matandang customer at nakakagulat sa halip na kunin ang pera na inaalok ng matandang babae, hinalikan niya ito sa noo at sinabi ito:

“No, ma’am, you can be quiet, I don’t want your money.” 

 
Source: Good Times

Ang insidente ay naganap umano noong Oktubre 15, Martes ng hapon sa lungsod ng Amarante.
Mula sa Good Times, ang may-ari ng parmasya ay nakilala bilang si Samuel Almeida.
Ayon sa kuwentong ito, nais lamang ng mga magnanakaw na kunin ang lahat ng pera.

Ang dalawang magnanakaw ay nagkapagnakaw ng $ 240 at ilang mga gamit.
Mabilis na kumalat sa social media ang kuha ng CCTV. Hanggang ngayon, hindi pa nadakip ang dalawang salarin.
Ang mga opisyal ng pulisya ay nag-ikot sa mga kapitbahayan para mahanap ang mga suspect.

Source: Good Times 

No comments