Featured Post

Jollibee crew umiiyak matapos sigàwàn ng isang customer, umani ng simpatya sa mga netizens

Source: Zari Frille/Facebook
 Naglipanan ang iba't ibang klase ng trabaho sa ating bansa. Nasa tao na ang sipag upang maghanap ng mga ito. Basta't marangal na trabaho na pweding mapagkuhanan ng hanap-buhay ay malaking tulong sa bawat pamilya. 
 
Ilan sa mga business na patok sa ating bansa ay ang mga Fastfood. Marami ang mga natutulungan ng mga fastfood business na empleyado. Kaya naman popular na trabaho ay ang pagiging isang service crew sa mga fastfood chains.

Source: Zari Frille/Facebook 

Hindi man madali ang pagiging service crew dahil sa pagod ng maghapong nakatayo, nalilipasan ng gutom, ngunit hindi ito alam ng karamihan sa mga customers.
At ang katulad nilang nagtatrabaho sa food industry ay madalas sigawan, kutyain, maliitin at àwàyin.


Katulad na lamang ng isang service crew na nàpàiyak matapos sigawan ng kanyang customer.

Isang Netizen na si Zari Frillez ang nagpost sa kanyang Facebook page at nagbahagi
ng larawan ng babaeng crew habang tila pinupunasan ang mga luha nito.

Source: Zari Frille/Facebook 

Ito ang buong post ni Zari:

“Shoutout sa kostomer sa drive tru ng Jollibee kumintang (Batangas) na may plate number na ••• 744 di lang namen nakuha ung letter sa plate number pero may CCTV naman ung drive thru ng Jollibee, na Sinigaw-sigawan si ateng naka duty sa drive thru na walang nagawa kundi mapaiyak at mag sumbong samen. Di nyo alam kung gaanong pagod ang ginagawa ng mga taong to sa ganitong oras at panahon para makapag trabaho ng maayos tas babastusin at mumurahin nyo lang. Sana malaman ung buong plate number nyo at matauhan kayo ng mahulasan kayo sa ginawa nyo. May kasama kapang babae jan sa sasakyan mo di kaman lang pinigilan. Nahabag talaga ako kay ate.”

Napag-alaman na isa palang working student ang babaeng service crew dahil sa komento ng netizen na si Yuan Reyes na napag-alamang kaibigan nito ang crew na sinigàwàn. Magkasama sila sa bahay kaya alam daw niya ang pagod nito araw-araw.

Nagtatrabaho raw ito upang suportahan ang sarili sa pag-aaral. Halos magkasakit na rin daw ito sa pagtatrabaho.

Narito ang comment ni Yuan:

"Napakawalang modo niyo kaibigan ko yan kasama ko sa bahay di nyo alam pagod nyan sa araw araw halos magkasakit na yan para lang masuportahan sarili nya tapos sisigaw sigawan nyo lang mga hayop kayo araw araw yang dumadaing kase lagi sya pinaduduty ng madaling araw tapos babastusin at sisigawan nyo lang mga walang modo! Self supporting yan kung di nyo alam nagtratrabaho yan ng maayos pra mabuhay sarili nya at mapag aral mga wala kayong modo malaman ko lang kung sino kayo ako mismo mumura sainyo!!!"

Sana ay magbigay tayo ng respeto sa mga kababayan nagtratrabaho ng marangal para sa pamilya.
Lagi nating tatandaan na hindi rason ang pagiging angat natin sa buhay upang maliitin ang mga simpleng tao.

Source: Zari Frille/Facebook 


No comments