Featured Post

Isang dalaga ang nakapagtapos at ngayon ay Lisensyadong Guro na dahil sa tulong ng kanyang responsible at masipag na Boyfriend

Source: Blessy Parreňo/Facebook

Kadalasang maririnig ang mga kwentong inspirasyon tungkol sa anak na sa sipag ata tiyaga ng mga magulang ay nairaos na makapag-tapos ang kanilang mga anak. 

Ngunit nagyon ay isa ding inspirasyon ang kwento ng isang dalaga nakapagtapos. Ngayon ay isang ng Lisensyadong Guro dahi sa kanyang sipag at tiyaga sa pag-aaral at sa tulong ng kanyang mapagmahal at supportive na kasintahan. Nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyo bilang Cum Laude, at makapasa sa board exam para maging isang propesyonal na guro.

Source: Blessy Parreňo/Facebook

Nakakabilib nga ang kwento ng magkasintahang nakilala bilang sina Ray Mark De Martin at Blessy Parreňo. Ibinahagi  na ang kanyang pagtatapos sa pag-aaral ay dahil sa sakripisyo at kasipagan ng kanyang nobyo.
                                                                                                                         Source: Blessy Parreňo/Facebook 
Ikinuwento nga ni Blessy, sa kanyang Facebook page, ang pagpupursigeng ginawa ng kanyang nobyo, upang matulungan siyang matustusan ang kanyang pag-aaral. Na kung saan, ayon pa kay Blessy, ay pinasok ni Ray Mark, at iba’t ibang marangal na trabaho, upang siya’y tulungan sa mga gastusin niya sa kanyang pagkokolehiyo.
 

                                                                                                                                                                   Source: Blessy Parreňo/Facebook 
Nagtrabaho ang kanyang nobyo bilang isang kargador ng palay, construction worker, cook at OIC din ito sa isa sa mga branch ng Mang Inasal. Talaga namang makikita ang kasipagang taglay ng kanyang nobyo.

                                                                                                                                  Source: Blessy Parreňo/Facebook
Sa kabila nito may ilang mga tao ang humuhusga sa kanila na tila minasama ng malaman na ang nobyo ang nagpa-aral sa kanya ngunit hindi ito naging dahilan upang panghinaan subalit mas lalo pang nagpursige si Blessy sa kanyang pag-aaral.

Narito ang pahayag ni Blessy na talaga namang kabibiliban:

"Nagtiis kami pareho, nagsikap at pinagtyagaan ang lahat ng bagay na mayroon kami."
"Mahirap??? OO, sobra, maraming chismiz, negative thoughts at panghuhusga! Kesyo iiwan ka rin niyan pagka-graduate niya, bakit ka maghihirap diyan, eh hindi mo yan kaanu-ano.”
“Ilang beses ko kinapalan ang aking mukha. Nilakasan ang aking loob. At sa awa ng Diyos, nalampasan namin ang lahat”

“Isang taos pusong pasasalamat sayo, RM De Martin, kung wala ka, wala rin akong mararating. Nandito ako, umasa kang, hindi ka iiwan at susuklian ang lahat ng iyong paghihirap”

“Sa lahat ng mga nakakabasa, lahat ng batang pinapaaral, sanay huwag sayangin ang paghihirap ng iyong mahal sa buhay, laging tandaan na ang lahat ay may mabuting dulot, kapag sinamahan ng pagsisikap, pagtitiis, pagtitiyaga, at higit sa lahat ay pananalig sa Poong Maylikha.”


Dahil sa talagang nakita ni Blessy, ang pagpupursige at sakripisyo na ginagawa ni Ray Mark para siya ay makapagtapos ng kanyang pag-aaral, mas lalo pang pinagbutihan ni Blessy sa kanyang pag-aaral.
Hindi lamang nakapagtapos si Blessy natamo niya ang karangalan bilang Cum Laude.Kaya naman taos puso pasasalamat ang mensahe para sa nobyo.

Source: Blessy Parreňo/Facebook



No comments