Featured Post

Groom tila nakalimot sa araw ng kanyang kasal, nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Marami ang kailangan planuhin sa pagpapakasal mula sa maliit na detalye hanggang sa  pinakamalaking parte ng kasalan. 

Kaya naman magiging abala ang magpapakasal sa preparasyon pa lamang. Sa kabila ng masusing paghahanda hindi pa din maiiwasan ang mga hindi inaasahang mangyari sa araw mismo ng kasal. May mga nakakatuwa at kakaibang pangyayari sa mga kasalan.

Source: Aldrin Mat Acero Salazar

Tulad na lamang ng bagong kasal isang maikling video clip na ibinahagi ni Aldrin Mat Acero Salazar na ipinost sa Facebook page. Makikita na ang bagong kasal na ito kasama ang entourage ay pinaghahanda para sa pagkuha ng litrato pagkatapos ng seremonyas ng kasal. 

Mula sa kanilang official photographer ay nagbigay ng utos na gumawa sila ng isang wacky pose, ngunit ang groom ay aksidenteng nagkaroon ng isang sweet moment sa kanilang bridesmaid na dapat sa kanyang bride.

                                                                                                                                   Source: Aldrin Mat Acero Salazar 

Mula sa photographer sinabi na kailangan nilang lumapit sa isa't isa at pagdikitin ang kanilang pisngi. Madami ang natawa ng mapansin ng photographer na nagkaroon ng pagkalito sa groom kung saan aksidente niyang nasandal ang kaniyang ulo sa gawi ng isa sa kanilang bridesmaid.          

Source: Aldrin Mat Acero Salazar 

Naging katuwaan sa mga taong nakapansin at kahit ang bride ay napagtanto na nakalimutan niya ang kaniyang groom.

Ang pangyayaring ito ay isa sa mga hindi malilimutang nakakatuwang pangyayari ng bagong kasal at kanilang kamag-anak na nakasaksi.

Source: Aldrin Mat Acero Salazar 

Ang trending na video ay ang talaga namang nagbigay ng saya at tuwa sa ating mga netizens. 

Narito ang nakakatuwang video:

Source: Aldrin Mat Acero Salazar 

No comments