Featured Post

Dinagsa ng tulong ang Taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang naglalako ng taho sa daan

Source: Jam Perry Branch/facebook

Isang netizen na si Jam Perry Branch ang nag-post ng larawan ng isang taho vendor na pasan ang isang taong gulang na anak habang siya ay naglalako. Marami ang naantig sa larawang naipost. 

Madalas daw niyang makita si kuya na naglalako ng taho. Madalas din daw siyang bumili sa kanya. Ngunit ng napadaan siya sa kanilang bahay at binilhan niya ng tinda nya, bumilib at nahabag siya sa kanya dahil habang nagbebenta siya kasama niya ang anak nya na isang taong gulang palang. Pagkasilang palang daw sa anak ay iniwan na umano ito ng kanyang asawa. Kaya naman buhat-buhat nito ang kanyang anak habang naglalako ng Taho sa daan.

Source: Jam Perry Branch/facebook

Mabilis namang nagtrending ang larawan na ibinahagi ng nagmalasakit na netizen na si Jam Perry Branch upang makahingi ng tulong para sa mag-ama . Ang post ay para rin humingi ng tulong sa programang Tulfo in Action. Matagumpay at nakarating na rin ito sa programa ni Raffy Tulfo na magbibigay sa kanya ng food cart business at iba pang tulong para sa mag-ama. Marami ring mga netizens ang nagbigay ng tulong sa mag-amang naglalako sa daan.               

 
Source: Jam Perry Branch/facebook

Narito ang naunang Post ni Jam Perry Branch:

 

Source: Jam Perry Branch/facebook

Naawa ngunit bumilib si Jam sa sitwasyon ng taho vendor at anak nito dahil hindi biro ang hirap nag kanilang pamumuhay sa araw-araw. Nakarating at nalaman ni Tulfo ang kalagayan ng mag-ama naawa at humanga rin siya sa kabilang banda sa ipinakikitang katatagan ng taho vendor na si Richard.

Source: Jam Perry Branch/facebook

Lalo namang naantig ang puso ni Tulfo nang malamang iniwan pala si Richard ng kanyang misis pagka-panganak sa ngayo'y isang taong gulang nilang anak. Kaya naman walang ibang aasahan si Richard na mag-alaga sa anak kundi siya lamang. Ang tangi na lamang niyang magagawa ay isama niya ang anak sa araw-araw niyang paglalako. 

Source: Jam Perry Branch/facebook
Inaksyunan nga ni Tulfo ang paghingi ng tulong ng mag-ama. Nagbigay ito ng food cart business kay Richard nang sa gayon ay hindi na ito mahirapan sa pagbubuhat ng malalaking lata ng taho sabay ng pagbuhat niya sa kanyang anak. Hindi lamang food cart ang binigay, nagbigay pa ito ng mga grocery items at tulong pinansyal para sa mag-ama.

Source: Jam Perry Branch/facebook

Malaking tulong ang mga inihandog ng Tulfo in action, nagyon ay mas maayos niyang mababantayan ang anak na malamang ay nahihirapan din sa posisyon nito sa pagpasan ng ama.

Mayroong ding mga netizens na nagpaabot na ng tulong sa mag-ama kaya laking pasasalamat ni Richard sa mga netizens.

 

Source: Jam Perry Branch/facebook

Source: Jam Perry Branch/facebook

No comments