Featured Post

Dinagsa ng tulong ang nag-trending na Lolo na naglalako ng tinapay sa footbridge

Source: Desiree Cunanan/ Facebook

Dinagsa siya ng tulong mula sa mga netizens matapos na mag-trending sa social media ang post ni Desiree Dy Cunanan tungkol sa isang lolo ang naglalako ng tinapay sa may footbridge ng North Edsa. Ayon kay Desiree nadurog ang kanyang puso nang mapansin ang matandang dati pa niyang nadaraanan sa nasabing footbridge. 

                                                                                                                                 Source: Desiree Cunanan/ Facebook Pagkatapos maglako ng tinapay ni Tatay Eduardo ay namamalimos pa raw ito upang makadagdag sa kanyang kita. Naoperahan pala si Tatay kaya naman doble trabaho ito pantustos sa kanyang patuloy na gamutan. 

Unti-unti nagsi-datingan ang mga tulong sa matandang nakilala sa pangalang Tatay Eduardo matapos kumalat sa social media. 

Narito ang naunang post ni Desiree na nag-trending:  

"Please take time to read sya po si tatay eduardo nagtitinda ng tinapay sa sm north edsa sa tulay matagal ko na po sya tinutulungan pero simula nung mag pandemic ngaun ko lang po sya ulit nakita kanina lang habang nag mamadali akong umuwe naiiyak ako nung nakita ko sya kasi pag tapos nyang mag tinda namamalimos na sya hindi po sya ganyan dati pag tapos nyang magtinda umuuwi na sya nagsisikap po sya magtinda araw araw para pang tustos sa pang araw araw nila ng asawa nya naiiyak ako ang tagal ko sya hinahanap dun ang sabi nya sakin naoperahan sya sa bato kaya kailangan nya ng pang maintenance kaya nghihingi na po sya ngaun dati pag my nag bigay lang tinatanggap nya pero ngaun nag dodoble kayod sya dahil sya lang ang bumubuhay sa kanya at sa asawa nyang my sakit din sa katapusan daw po my tatanggalin sa kanya di ko na masyado maintindihan sa sobrang awa ko sa kanya at nagmamadali din po ako parang nadudurog ung puso habang kinakausap ko si tatay sa mga gusto po tumulong nandun lang po si tatay monday to saturday araw araw rain or shine po sya dun please help tatay eduardo pa share post po"
Source: Desiree Cunanan/ Facebook

Lalong nadurog ang puso ni Desiree nang malamang kaya pala doble kayod ito ay dahil naoperahan ito sa bato kaya kailangan niyang kumita ng pera para sa kanyang patuloy na gamutan. Matagal-tagal din niyang hinanap si Tatay Eduardo sa pwesto nito sa footbridge. Napag-alaman ni Desiree ang dahilan, naisipan niyang i-post sa social media ang larawan nito upang makapangalap ng tulong para kay Tatay.

Naging matagumpay ang naisip ni Desiree dahil sa dami na ng nagpapaabot ng tulong para kay Tatay Eduardo. Pinost at ibinahagi ni Desiree ang transaction details ng mga netizens na nagpapaabot ng tulong kay Tatay Eduardo lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan.

                                                                                                                          Source: Desiree Cunanan/ Facebook

Ito ang update ni Desiree matapos maibigay ang mga tulong ng mga netizens:

 "Update po para sa mga nagpaabot po ng tulong kay tatay. Sobrang saya at sobrang nagpapasalamat po si tatay sa inyong lahat. Maging ako po ay nagpapasalamat sa pagtitiwala niyo po sakin na makakaabot kay tatay ang tulong niyo. Hindi niyo man po ako kilala, malaking tulong po yun para kaya tatay,"

Source: Desiree Cunanan/ Facebook

No comments