Featured Post

Dating service crew, karpintero, at factory worker, Nakapagtapos ng kurso at Top 10 sa Civil Engineering Exam

 

Source: GineersNow

Isa sa mga nagsilbing inspirasyon sa madla ang kuwento ni Jobert Dela Cruz: dating suki sa kahit anong klaseng raket, at ngayon ay isa ng Civil Engineer. Siya ay naging topnotcher  din sa Civil Engineering board exam, isang Instructor sa University of Cebu, at lecturer sa isang review center.

Source: GineersNow

Dahil sa kahirapan, natigil daw siya sa kanyang pag-aaral pagkatapos ng high school sa kadahilanang hindi na kaya ng kanyang mga magulang na matustusan ang kanyang pagpasok sa kolehiyo.
Naging magkatuwang sila ng kanyang ama sa pagkakarpintero upang sila ay kumita at upang masuportahan ang kanilang gastusin sa araw-araw, maging ang pang-enroll niya sa kolehiyo.

 
Source: GineersNow

Ngunit nang kukuha na sana si Dela Cruz ng kursong Civil Engineering, hindi siya natanggap sa pinasukang unibersidad dahil sa mababa niyang marka noong high school. Sa kabila nito’y kinuha niya ang kursong BS Industrial Technology Major in Civil Technology.

Naging maayos naman daw ang mga sumunod na pangyayari sa kanyang buhay. Subalit, nag-iba ang lahat nang masunog ang kanilang bahay sa Mandaue City, Cebu at wala silang naisalbang mga gamit. Marso 2012 naman nang ma-diagnose si Dela Cruz sa sakit na appendicitis at kinailangan siyang operahan. Dahil dito, nabaon daw ang kanilang pamilya sa utang.

 

 
Source: GineersNow
Dahil hindi na kaya ng kanyang magulang na pag-aralin siya, nagdesisyon siyang tumigil muna sa pag-aaral at namasukan sa isang pabrika para na rin matulungan ang kanyang magulang na makabayad sa mga utang. Nagawa rin niyang makapag-ipon ng pera upang makapag-enroll muli siya sa kursong Civil Engineering sa University of Cebu, idagdag pa na naging working student siya.
“I have failed some of my subjects and even dropped some. Actually my grades in college are majority 3.0 equivalent to 75%. During that time my only goal is just to pass the subjects even I do not gain much knowledge. I’m always on survival mode,” 

Sa kanyang college life, P20 lamang umano ang kanyang baon. Ngunit nagpapasalamat siya sa kanyang girlfriend at mga kaibigan dahil pinapahiraman siya ng mga ito kapag talagang kailangan niya ng tulong-pinansyal. At taong 2018, nakuha na niya ang kanyang diploma.

“After the day I graduated, I am not a potential topnotcher, but I want to change my life. The next morning after I graduated, I open my reviewer books directly, even the formal review is not starting yet. Stop procrastinating! I really pushed my limits. I wake up 7 am every day. After having breakfast, practice solving problems, [and] study, study, study until 10 pm. Of course, have a break for lunch and dinner.”

Nag-alangan pa raw siyang pumasok sa review center dahil sa kakulangan sa budget. Mabuti na lamang at nakilala niya si Engr. Chrysler Duaso, isang lecturer sa Gillesania Engineering Review and Training Center (GERTC). Ipinakilala ng huli ang nauna sa kanilang review director na si Engr. Si Gillesania.
Gumawa nga si Dela Cruz ng isang study plan: sa unang tatlong buwan ay nakatuon siya sa Mathematics, Surveying, at Engineering. Nakatuon naman ang sunod na dalawang buwan sa Structural Engineering and Hydraulics at Geotechnical Engineering, habang ang natitirang mga buwan ay para sa kanyang paghahanda.

 
Source: GineersNow

Halos sumuko na raw siya dahil hindi niya alam kung paano lutasin ang karamihan sa mga katanungan, at tila hindi sapat na makapasok sa Top 10. Gayumpaman, ipinagpatuloy niya pa rin ang lahat ng kanyang ginagawa.
At nang lumabas na ang resulta ng kanyang board exam, hindi makapaniwala si Dela Cruz sa resulta dahil pasok siya sa Top 10 at may score na 92.15.

“Honestly, I really believe on signs that God sends us. Every time I go out of our house before the results of the board, I saw this bible verse on some streets in Cebu, ‘Trust the in the Lord with all of your heart and lean not on your own understanding.
‘In all your ways submit to Him, and He will make your paths straight Proverbs 3:5-6.’ My girlfriend messaged this bible verse to me the day before the board exam, and it really gives me goose bumps until now.
I owe this to God. Without Him I am nothing, and of course to my loved ones and friends who supported me during my hard times.”

Source: GineersNow

No comments