Featured Post

Araw-araw na sumasakay ng Bus ang nawawalang aso na tila hinahanap ang kanyang Amo.

 

Source: Ale Nolli Vargas
Walang hihigit pa sa kalungkutan, ang makakita ng inosenting nawawala. Ang pagmamahal ng mga alagang hayop ay walang hanggan, sa sandaling bigyan natin sila ng tulong, binibigyan natin sila ng bahay, pagkain, pinagagaling natin sila kapag sila ay may sakit, hindi nila ito nakakalimutan. Dahilan kung bakit, kapag nawala ang amo nila, sila ay nagiging emosyonal din. 

Bagaman ang ilan ay maaaring hindi naniniwala sa kung gaano makapangyarihan ang samahan na mayroon ang amo sa kanyang alaga, makikita sa alaga ang kanyang paghahanap ng pansin, pagmamahal at pag-unawa.

                                       

 
Source: Ale Nolli Vargas

Ang isang halimbawa nito ay nakita sa Lima-Peru, kung saan nakita ang isang aso na nawawala at napapansin ang araw-araw na pagsakay nito sa pampublikong sasakyan na tila hinahanap ang amo nito. Mapapansin sa kanyang tila maluha-luhang mga mata ang lungkot sa pagkawalay sa amo nito.

Nakakabilib ang kanyang pasensya sa araw araw na paghahanap sa amo, kaya maraming tao ang nagpasyang kunan siya ng litrato at sinusubukang hanapin ang may-ari sa pamamagitan ng mga social network. Baka umano makita ng may-ari ang post sa social media at mapabilis ang pagkikita ng mag-amo.

 
Source: Ale Nolli Vargas 
                             

Isang netizen na si Ale Nolli Vargas ay gumawa ng isang post sa Facebook na humihiling ng tulong para sa mga makakakita muli kay Gringo, pangalan ng aso. Nakipag-ugnayan din siya sa isang ahensya para mahanap ang amo ng aso. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na may makakatulong sa kanya na magkitang muli ang mag-amo.

 
Source: Ale Nolli Vargas 
 
Maituturing ang Man's bestfriend ang mga alagang aso at minsan nagiging parte na sila ng isang pamilya. Ang iba ay kasama na nila ang kanilang alagang aso mula noong sila ay bata pa at kasama ng tumanda. Talaga namang nakakataba ng puso ang pagmamahal na binibigay din ng ating mga alaga. Ang pagiging masunurin at pagiging malambing nila ay nakakapagbigay saya sa pamilya.

Kaya naman kung may napansin na nawawalang aso ay bigyan muna ng pansamantalang tuluyan at bigyan ng pagkain para sa mga makakakita.

Source: Ale Nolli Vargas

No comments