Featured Post

Anak ng Welder at Empanada Vendor, nakamit ang 10th Place sa Nursing Licensure Board Exam

Source:  GMA News

Maraming ang namangha at na-inspire sa kwento ng nursing student, sapagkat pinakita at pinatunayan niya na hindi kailan man magiging hadlang ang kahirapan upang makamit ang ating mga pangarap sa buhay.
Isang napakagandang balita para sa isang magulang na makita ang kanilang mga anak na lumaking maayos at makapagtapos ng pag-aaaral. Mas ikanagagalak nila na kung sila ay nakapasa rin sa board exam at masasabing isa na ring ganap professional.     

Source:  GMA News

Proud na proud at labis ang tuwa ng mag-asawang empanada vendor at welder matapos makamit ng kanilang anak na babae ang ika-10 puwesto sa ginanap na Nursing Board Examination.
Kinilala ang board exam passer bilang si Shannara Mica Gura Tamayao. Nagtapos siya sa kursong Nursing mula sa Laoag City, Ilocos Norte.  

Source:  GMA News
Inspirasyon nga si Tamayao para sa marami dahil pinatunayan niyang hindi hadlang ang kahirapan o anumang hamon sa buhay upang tuparin ang mga pangarap. Isa rin siyang honor student mula elementarya hanggang high school.

Sa tulong na rin ng sipag, tiyaga at determinasyon ng kanyang mga magulang, nakakuha siya ng nursing degree sa Mariano Marcos State University sa Batac, Ilocos Norte.

Source:  GMA News

Nagbunga ang lahat ng kanilang pinaghirapan at sakripisyo nang makapasa si Tamayao sa naturang board exam. Idagdag pa raw na pasok siya sa mga topnotchers dahil nakakuha siya ng average na 84.60% sa nasabing exam.
Bilang panganay, nais niyang maiahon ang kanilang pamilya mula sa kahirapan at bigyan sila ng magandang kinabukasan.

Talagang proud ang kanyang mga magulang sa nakamit niyang tagumpay. Plano ni Tamayao na ipasa muna ang National Council Licensure Exam at kumuha ng Master’s degree bago mag-apply ng trabaho.
Naging isang inspirasyon ang kwento ni Shannara sa mga Pilipino lalo na sa mga kabataang kasalukuyang pa lamang sa pag-aaral. 

 
 Source:  GMA News

Nakakabilib ang mayroon siyang determinasyong makapagtapos upang makamit ang kanyang mga pangarap. Malaking pasasalamat niya sa tulong din na binigay  at sakripisyo ng kanyang mga magulang na walang sawang nagbigay ng suporta sakanya sa kabila ng hirap sa buhay.

 

 Source:  GMA News

No comments