Featured Post

Sobrang naapektuhan ang paningin at pwedeng mabulag and isang 4-Year-Old dahil sa sobrang paggamit ng Gadgets

Source: Dachar Nuysticker Chuayduang/Facebook

Sa panahon ngayon, marami sa atin ang gumagamit nang gadgets, mapabata man o matanda. Lalo pa at halos lahat ngayon ay sa online na dumadaan pati narin ang mga pag-aaral ng mga estudyante.

Naging libangan narin ang panonood sa internet at ginagawan pang-aliw sa anak kung lalo na pag hindi mapatigil sa pag-mamaktol. 

Subalit, ang madalas na paggamit ng gadget ay sinasabing  may masamang epekto sa kalusugan ng tao, lalo na sa mga batang nakatutok dito maghapon.

Mayroon na ring mga pangyayaring katulad nito ang nababalita nito lamang at mga nakaraang taon. 

Kamakailan lamang ay may nabalitang ganitong pangyayari tungkol sa isang bata.

Isang netizen na kinilalang si Dachar Nuysticker Chuaydang ang nagpost ng mga litrato ng kanyang anak na sumailalim sa surgery. Muntik nang mabulag ang bata kung  dahil sobrang paggamit ng gadgets. Buti na lamang at agad siyang kumunsulta sa doktor at naagapan ito.


Source: Dachar Nuysticker Chuayduang/Facebook

Ayon kay Chuayduang, dalawang taong gulang pa lamang ang kanyang anak ng mag simulang gumamit ng gadgets.

Hinahayaan niyang gamitin ang kaniyang iPad at smartphone ng ilang oras. Ngunit kapag sinusubukan na niya itong kunin ay nagagalit ang bata kapag, Kaya naman ay hinahayaan na lamang niyang gamitin nito ang gadgets hanggang sa ito ay mag sawa.

Subalit, habang tumatagal, napapansin nito na nagkaroon na ng problema sa mata ang kanyang anak. Napapansin daw niya minsan ay parang naduduling na ang bata. At dito na nga nila nalaman na mayroon na pala itong  kondisyon na “lazy eye” kung tawagin.

Source: Dachar Nuysticker Chuayduang/Facebook

Source: Dachar Nuysticker Chuayduang/Facebook

Ito ang kondisyon kung saan ang isang mata ay mayroon ng deperensiya, hindi na maayos na gumagana ang isang mata at kusang gumagalaw ito sa ibang direksyon.

Kahit na napapansin na nila ito sa kanilang anak, patuloy pa rin sa paggamit ng gadgets ang anak ni Chuaydang . Ngunit habang lumalala ang kondisyon nito, agad agad na niya itong dinala sa doktor.

Sa edad lamang na apat, kinailangang ng sumailalim sa surgery ng bata para maayos ang paningin nito. 

Mayroong ng lumabas na pag-aaral tungkol sa masamang epekto nang sobrang paggamit ng mga gadgets. Isa na dito ang kawalang-kakayahan ng bata na makisama sa iba pang bata Pwede ring ma-delay ang pagdevelop ng memory at kakayahang mag-focus ng bata.

Source: Dachar Nuysticker Chuayduang/Facebook

Dahil din hindi aktibo sa physical activities, maaaring maging obese ang bata. Ayon sa inilabas na pag-aaral ng mga doktor, nasa 30% ng mga nakababad sa gadget ang nagiging obese o sobra sa timbang. Kalaunan ay nauuwi ito sa strokehigh blood, o masaklap ay atake sa puso.

Rekomendasyon ng American Academy of Pediatrics na huwag pagamitin ng gadgets ang mga batang edad dalawa pababa. Pwede namang ipagamit ito sa edad  na 3-5 na limitado hanggang isang oras kada araw. Dalawang oras naman kada araw para sa mga edad 6 hanggang 18 taong gulang.

Payo naman ni Chuaydang na san ay magsilbing aral sana ito sa ibang mga magulang para hindi na pag daanan ng iba pa ang nangyari sa kanyang anak.

Source: Dachar Nuysticker Chuayduang/Facebook

No comments