Featured Post

Pamilya nanirahan sa kanilang Jeep, sa tulong ng mga mabubuting tao ngayon ay nakabalik na sa isang bahay


Source: GMA Public Affairs

Mula ng magsimula ng lockdown sa Pilipinas dahil sa kumakalat na Covid-19 marami ang nawalan ng mga hanapbuhay. Ilan sa mga nawalan ng nahapbuhay ay ang mga masisipag nating mga driver ng jeep. Dahil sa lockdown hindi rin sila mapagpasada at makapaghanap buhay. Ang ilan ay wala na ring pambayad sa upa ng kanilang mga tinitirhan.  

  

 
Source: GMA Public Affairs           

Tulad na lamang ng kwento ng isang pamilya na napag-alaman na tumira na lamang sa kanilang jeep.
Dahil sa napilitang tumigil sa pamamasada si Mang Mario mula noong kasagsaggan ng Lockdown.

Umabot na sila ng kalahating taong nakatira sa loob ng kanilang jeep. Doon na sila natutulog, kumakain at lahat na. Inayos na lamang daw ni Mang Mario ang jeep upang matirhan. Nakikigamit na lamang umano sila ng palikuran sa mga gasolinahan o kaya naman pag inabutan ay doon na din sa kanilang jeep.                         

 
Source: GMA Public Affairs

Sa kabila ng pagtira nila sa jeep ay hindi daw maiwasang mag-alala si Mang Mario para sa kanilang mga anak, lalo na at maliliit pa ang mga ito. Hindi na din nakapag-enrol ang isa nitong anak nitong si Krizia sa modular distance learning.    

                                                                                                      Source: GMA Public Affairs

Hindi naman nawawalan ng pag-asa si Mang Mario na makakauwe din ang kaniyang pamilya sa isang bahay. At sa tiwalang mayroon si Mang Mario, makalipas ang ilang buwan nabigyan ng katuparan ang mga hiling nito dahil sa tulong ng isang programa sa GMA at tulong ng mga tao sa kanila. Marami ang nag-paabot ng tulong sa pamilya matapos napanood sa TV ang kanilang kwento.

                                                                                                                           Source: GMA Public Affairs

Nagkaroon na muli sila ng bahay na inuupahan. Nakabalik na din sa pag-aaral ang kaniyang anak. Nakabalik na din umano si Mang Mario sa pamamasada ng jeep. Napagawan niya ito ng mga plastik barrier bilang pagsunod sa safety protocols.

 
Source: GMA Public Affairs 

Sobra umano ang kagalakan ang kanilang madama. Maayos at hindi na daw ito natatakot para sa kaligtasan ng kanilang mga anak. Lubos ang pasasalamat ng pamilya ni Mang Mario sa lahat ng tumulong.

Source: GMA Public Affairs 


 

Source: GMA Public Affairs  

No comments