Featured Post

Nakapagtapos bilang Magna Cum Laude sa kolehiyo ang anak ng isang mangingisda

Source: Regine Villamejor / Facebook

Walang imposible para sa isang taong may mataas ang pangarap at determinado sa buhay.

Tulad na lamang ng kwento ng isang 20-anyos na dalaga na  nagngangalang Regine Villamor ng Cebu. 
Ipinakita ang tiwala sa sarili at pinatunayan na maaaring makamit ng sinuman ang kanilang pinakamalaking pangarap sa buhay. Hindi naging hadlang sakanya ang hirap ng kanilang buhay upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo.
 
 
Ang pamilya ni Regine ay mula sa isang simpleng pamilya na ang pangunahing hanapbuhay ay ang pagiging mangingisda ng kanyang mabuting ama.

Naging inspirasyon ni Regine ang suporta ng kanyang pamilya upang siya ay makapagtapos ng pag-aaral at upang makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay.
 
  

Nakapagtapos si Regine sa kolehiyo, at siya grumaduate ng may titulo bilang Magna Cum Laude sa kanyang paaralan sa University of Jose-Recoletos, Cebu City.
 
Ikweninto ni Regine na ang ikinabubuhay nila ay laging nakadepende sa panahon. Sa panahon na maulan o may bagyo, hindi nakakapalaot ang kanyang ama upang mangisda. Subalit kung minsan naman ay swerte at umaabot ang kanyang kita sa 700 pesos.
 
 

Inilalako naman ang mga nahuli ng kanyang ama ng kanyang ina sa may kalsada kung saan malapit lang ang kanilang bahay. Tumutulong rin si Regine na magtinda pagdating niya galing sa paaralan.

 
 Ito ang ilan sa mga pahayag ng Magna Cum Laude na si Regine:
"It was at an early age that I realized how life was. While selling fish, I always kept telling myself that I had to finish college to help my family and my siblings,"

"My father told me one time that he wanted to sleep more but he said he had to work hard in order for me to continue my studies,"
 

 

Maagang gumigising at pumapalaot ang kanyang Ama upang siya ang mauna at makahuli ng mas maraming isda.

Dahil sa matataas na grado sa iskwelahan ni Regine, binigyan siya ng 50% discount ng kanyang eskwelahan para sa kanyang matrikula.

Gayun pa man, hindi rin naging madali ang pinagdaanan ni Regine dahil sa kinailangan niyang mahiwalay sa kanyang pamilya at tumira sa paupahang bahay na malapit sa kanyang eskwelahan. 

 

Dagdag pa niya, may mga larawan ng kanyang buong pamilya na dinikit nito sa kanyang kuwarto at sa tuwing nalulungkot siya o pinanghihinaan ng loob ay tinitignan na lamang niya ang mga ito.

Nakapagtapos si Regine sa kursong Bachelors Degree of Arts in Liberal Arts and Commerce Major in Communication and Marketing(LIAMCOM) sa loob ng  apat na taong pag-aaral.
 
"As I look back at my struggles, I realize that it made me stronger. And I want to thank my parents. Whatever achievements I have, it's because of them."

I am not ashamed to sell fish. My friends know about it but still they accept me for who I am! If I did not go through those challenges, wearing the toga will not be worth it. We should not give up. Poverty is not a hindrance in achieving our dreams,”
 
"I should never forget where I came from. No matter how many achievements you have, humble yourselves and keep your feet grounded. I will always be a proud daughter of a fisherman and a fish vendor," dagdag ng dalaga.
 
 
Hindi biro ang kailangang pera upang makapasok sa eskelahan at makapag-aral lalo na kung ang kinikitang pera sa araw-araw ay sakto lamang para sa pangangailangan ng buong pamilya. Pero tulad ng kwento ni Regine na kahit mahirap ang buhay kung may pagsisikap at determinasyon ay walang makakahadlang sa mga pangarap.

 Source: Regine Villamejor / Facebook

No comments