Featured Post

Nagtago sa kisame ang asawa ng seaman ng mahuling pumasok sa isang motel kasama ang kalaguyo

Source: ABS-CBN news


Sa kasalukuyan, nakakalungkot isipin na dumarami na ang mga kaso ng mga pangangaliwa. Tulad na lamang ng asawa ng seaman nahuling pumasok sa isang motel kasama ang kalaguyo.

Nagtago pa sa kisame ng isang motel si misis matapos siyang mahuli ng kaniyang asawang seaman sa isang motel sa Mandaue City, Cebu nitong Linggo lamang.

Ayon sa panayam ng Mandaue City Police, sinugod ng asawang seaman ang motel kung saan nakita niyang pumapasok ang taxi na sinasakyan ng asawa at ng kalaguyo nito.

Source: ABS-CBN news

Magkasama pa sila ng kaniyang asawa sa taxi nang papunta umano sa trabaho ang asawa ngunit unang bumaba ang babae. Nang makaalis na ang taxi na sinakyan ng asawa ay agad-agad naman siyang sumakay sa ibang taxi at sinundan ito, ayun sa panayam ng isang lalaki.

Humingi ng tulong ang seaman habang hinihintay niyang makalabas sa motel ang dalawa, sa kaniyang kaibigan na si Edward Ligas, international boxing judge.

Source: ABS-CBN news

Nasa labas na ng kuwarto ang kalaguyong lalaki nang datnan ng mga pulis. Hinanap ang misis ngunit hindi na ito makita. Ngunit maya-maya pa ay may biglang kumalabog at nahulog ang isang parte ng kisame at ang sandals ng babae at gumewang din ang mga paa nito.

Pilit pinapababa ng mga pulis ang babae ngunit ayaw nitong bumaba, kaya inakyat siya ng isang pulis na babae gamit ang hagdan.

Source: ABS-CBN news

Nahuli na dati ng anak ang babae noong 2017 na may kalaguyo, ayon sa seaman.

May hinala na rin daw siyang hindi tumigil ang kaniyang asawa sa kanyang pangangaliwa dahil nag-iba na ang kanyang asal sa mga panahon na uuwi siya galing biyahe at ayaw na ring makipagtàlik sa kanya ang babae.

Source: ABS-CBN news

Nalaman din nito na isa ring seaman ang kalaguyo ng kanyang misis.

Nagdesisyon na ang lalaki na maghabla ng kaso sa kanyang misis at ang kalaguyo nito.

 Source: ABS-CBN news

No comments