Featured Post

Matapos ang tatlong taon, dating parking boy na nag sauli ng napulot na P7,000 ngayon ay graduate na ng Elementary sa isang private school

Source: Neil Mateo/Facebook

Naaalala niyo pa ba si Andrey Macabuhay na nagsilbing isang parking boy at nakakuha ng paghanga ng iba`t ibang mga netizen sa kanyang pagiging matapat?
Ibinalik niya ang P7,000 cash ni Dindo Lorenz. Sa kabila ng katapatan nakatanggap ng buong iskolarship mula sa Immaculate Conception Institutions si Andrey.

Source: Neil Mateo/Facebook 


Nakapagtapos na siya ngayon sa elementarya sa isang private school.

Ating balikan, noong 2017, isang batang lalaki na nagngangalang Andrey Macabuhay sa kabila ng murang edad ay nagtrabaho bilang isang parking boy. Hindi lamang masipag kundi isa ding matapat na bata at nakakuha ito ng positibong reaksyon mula sa mga netizens.

Unang ipinost ni Dindo Lorenzo ang kwento ni Andrey sa Facebook at kung paano ibinalik ng bata ang pitong libong cash na kanyang nawala habang siya ay nasa isang fastfood restaurant. Ang katapatan ni Andrey ay nagbunga ng magandang kapalaran sakanya.


Source: Neil Mateo/Facebook 


Naging trending ang kwento ni Andrey hanggang sa nakatanggap siya ng isang magandang sorpresa.
Sa pasasalamat ni Dindo ay binigyan umano niya ng gantimpala ang bata. Iginawad din para kay Andrey ng Immaculate Conception Institutions ng isang buong scholarship hanggang sa kolehiyo. Kasama sa scholarship ang kanyang allowance, uniporme, at libro, na sobra naman ikinagalak ni Andrey at mga magulang nito. 




Source: Neil Mateo/Facebook

 
Maituturing na isang modelo para sa mga kabataan at hindi lamang sa kanyang henerasyon kundi pati na rin sa mga matatandang tao. Ipinangako ni Andrey na sisikapin niya balang araw na maiahon niya ang kanyang pamilya sa kahirapan.

Pinatunayan ni Andrey na nasa tamang landas siya at sa wakas ay nagtapos siya sa elementarya
matapos ang isang taon.

http://  

Source: Neil Mateo/Facebook


Ibinahagi ni netizen Neil Mateo ang nakaka aliw na kwento.

Ito ang kabuuan ng kanyang post:
“Andrey Macabuhay, nakatapos na ng Elementary sa Immaculate Conception Academy (ICA). Naalala niyo ba si Andrey, ang parking boy sa McDo na tinuring na HONEST KID ng Santa Maria? Siya ang batang nakapulot ng perang nahulog ni Sir Dindo Lorenzo na kanyang ibinalik. Dahil sa kanyang katapatan ay nakatanggap siya ng scholarship hanggang kolehiyo mula sa ICA, ICP Senior High School at ICI College.”

Madami ang humanga at natuwa sa kinahantungan ng kapalaran ni Andrey sa pagiging matapat niya.
Ito ang ilan sa mga kumento ng mga netizens:

"I salute u andrey we proud of you you deserve many blessings to come godbless"

"ang mabuting bata ay talga nmang piba papala ..ipag patuloy mo lng ang iyong ka butihan"

"God bless your good work, Honesty is still the best policy! You'll go places coz Gid will guide U, Keep the good work, son

Source: Neil Mateo/Facebook

No comments