Featured Post

Lolo kumakayod pa rin sa kabila ng Kapansanan at edad para sa pamilya

Source: Bai Rahma Ameer iskak

Isang tatay na kamakailan lang ay hinangaan ng karamihan. Mula sa kuha ng isang netizen na si Rahma Ameer Iskak ,ang matandang ito na nagtatrabaho sa bangketa, sa kabila ng kapansanan.

Kahanga-hanga ang mga taong mas pinipiling kumayod sa kabila ng iniindang kapansanan, sa halip na maging pabigat na lamang sa lipunan.

Sa post ni Iskak: buti pa si tatay, kahit hirap na hirap na siya sa kalagayan niya, kahit may sakit siya, nagagawa pa rin niyang mag hanap-buhay ng marangal.

 

Source: Bai Rahma Ameer iskak

Makikita sa larawan ang kitang hirap nitong si tatay ay kinakaya pa rin nitong magtrabaho. Taliwas ito sa dapat ay ginagawa na ng mga taong nasa kanyang edad, na dapat ay nasa bahay at nagpapahinga o inaalagaan ng kanyang pamilya.

Walang nabigay na pagkakakilanlan si Iskak tungkol kay tatay. Ngunit sa kanyang naging pahayag, para bang tinitiis ni lolo ang lahat bilang isang magulang, mabigyan lamang ng marangal na buhay ang mga anak.

 
Source: Bai Rahma Ameer iskak

Ito ang buong post ni Iskak:


"Bakit ang anak, kayang tiisin ang magulang? Pero ang magulang, di kayang tiisin ang anak kahit hirap na ito… mabuhay lang niya kayo ng marangal".
Para naman sa ibang netizens, sana raw ay nagbigay si Iskak ng impormasyon kung saan o ano ang pangalan ni tatay upang mabigyan ng tulong. Ang ilan ay nanghihingi ng impormasyon kung saan raw nakapwesto itong si tatay, marahil ay upang puntahan ito at tulungan.

Source: Bai Rahma Ameer iskak 
 

Ayon kay Iskak sa kanyang pahayag ukol kay Tatay,

“Mabibigo ka sa mga tao, ngunit hindi kay Allah. Kaya ang pagsisikap mo ay ibuhos mo sa kanya na tunay na nagbibgay ng biyaya.”
Kaya naman ang naturang post ay umani ng mga papuri galing sa mga netizens. Ang pagiging masipag at matiyagang ito ni tatay kaya naman saludo sila kay Tatay. Nakaya pa rin nito ang pagtatrabaho sa kabila ng edad at kapansanan nito.

Source: Bai Rahma Ameer iskak 

Hindi maiiwasang madami ang maawa at tanging magagawa na lamang ay ipagdasal si tatay na nawa ay bigyan pa ng malakas na pangangatawan o di kaya ay mayroon man lang dumating na tulong para kay tatay.


Ito ang ilan sa mga kumento ng mga netizens:

"Un lang ang masakit jan...grabing sakrepisyo ng magulang sa mga anak halos buhay itaya pa...pero karamihan ngaun pinapalayas binubugbog hindi inaalagaan ung iba jan pinapatay pa...mga anak na walang kwentang pwera nlang sa mga responsabling anak....... salute ako jan"

"Sana lahat ng mga magulang talagang may malasakit sa kanilang mga anak....Tatay hanga po ako sa inyo"

"God bless you tatay very proud ako seo sana bigyan ka pa ni Lord ng mahaba at masayang buhay alam ko nahihirapan ka pero kinakaya mo saludo ako seo tay nakakalungkot lang dahil my mga tao na ginagawang katatawanan kalagayan ni tatay sana di mngyari sa inyo s Lord na bahala sa inyo.. Ikaw ang dapat tularan ng ibang kalalakihan na ang lalaking tao pero pandurukot ang ginagawang hanapbuhay tsk..#KMJS"

"I love you tatay kahit hindi ko po kayo kilala grabe hangang hanga po ako sa pagsisikap niyo . Mahal po kayo ng PANGINOON Laban Lang sa buhay Tay"
"Yung mga ganitong tao dapat ang tinutulungan at hinahangaan [dahil] sa kabila ng kanyang sakit nagtatrabaho pa din sya. Di gaya ng iba [na] normal [at] malakas ang pangangatawan, mga batugan, at nakukuha pang manlamang at magnakaw sa kapwa. Saludo ko sayo tatay! Diyos ang bahalang gumabay at gumantimpala sa inyo"
Source: Bai Rahma Ameer iskak

No comments