Featured Post

Japanese boy na nakitang namumulot ng basurang iniwan ng mga turista, hinangaan ng mga netizens

Source: Manila Bulletin (Vlad Mata)

Sikat ang Alaminos City dahil sa tourist attraction dito na Hundred Islands. Dahil sa angking ganda nito, marami mga turista ang dumadalaw dito.

Subalit dahil rin sa dami ng turista, minsan ay hindi maiiwasan na ang iba sa mga ito ay pasaway at hindi marunong mag tapon ng basura sa tamang lagayan.

Dahil dito, isang Japanese boy ang nag pasyang maglinis at mamulot ng basura sa beach. Umani naman ito ng maraming papuri at positibong reaksyon mula sa mga tao.

Ang nasabing batang hapon ay anak ng isang government employee sa Dagupan City na nagkaroon ng asawang Haponesa.

Source: Manila Bulletin (Vlad Mata)

Ayon sa CEO at founder ng Olives, Inc at Olives Language School na nagbibigay ng mga onsite at online classes sa Tokyo, Japan. kasama raw sa mga itinuturo sa mga japanese students ang pagiging matulungin at malinis sa kapaligiran.

Dagdag pa niya, ang paglilinis ng mga estudyante sa kanilang mga classroom ang naging daan upang matuto silang madisiplina ang kanilang mga sarili. Ang paglinis naman ng kanilang paaralan ay upang maging responsable sila upang panatilihing malinis ang kapaligiran at maging mabuting mamayanan.


Source: Manila Bulletin (Vlad Mata)

“If you see things that are not right and may adversely affect other people, you have to do something. In Japanese schools, there are no janitors to clean the school. Everyday, the kids set a time to clean their room and whatever they used,” sabi ni Galvez.

Kwento ni Galvez, meron din daw isang Japanase na lalaki ang pumunta ng Baguio City at doon naglinis ng mga kalye.

“He tries to visit Baguio every year to clean,” sabi ni Galvez.

Aniya, hindi raw ordinaryong tao ang lalaking hapon dahil mayroon itong restaurant sa Tokyo.

“It is such a shame to us locals that we let a foreigner set an example in cleaning our own area,”

Source: Manila Bulletin (Vlad Mata)

No comments