Featured Post

Isang Garapon na naglalaman ng 1,100 Year-Old Gold coins aksidenteng natagpuan ng dalawang teenager


Source: CNN style

Maraming bagay sa mundo ang hindi natin inaasahang mangyari. Marahil ang lahat sa atin ay nakakita o nakaranas ng mga bagay na hindi natin inaasahan isang beses sa ating buhay. Ganito ang nangyari sa dalawang teenagers sa Israel na ikinagulat nila ang nakitang kayaman.

Source: CNN style

Ginaganap noon ang isang pre-military national service, ito ay kung saan kasama ang dalawang teenagers ng makita nila ang isang lumang garapon. Sa umpisa ay inaakala nilang ang mga maninipis na dahon ang lamang laman nito.        

Source: CNN style
 
Isa sa mga teenager ay si Oz Cohen, na nakakita ng garapon. Naghuhukay daw siya noon ng mapansin ang isang bagay kaya naman ipinag-patuloy niya itong hukayin. Tuluyang nahukay ang buong garapon at doon na nakita ang mga lumang gold coins na nakapaloob dito.

                                                                                                                                                                                                                                Source: CNN style

Mula sa mga representative ng Israel Antiquities Authority (IAA) na ipinadala para pag-aralan ang mga gintong barya na nakita. Di umano ay umaabot sa 425 gold coins ang laman at gawa ang lahat sa 24-karat gold. Lahat ng barya ay umabot sa 845 grams.

Source: CNN style
 

Isang coin expert mula sa IAA na si Robert Kool ang nagsabing ang mga gold coins ay mula pa noong 9th century. Ayon pa sa IAA ang mga gold coins ay gawa sa purong ginto at dahil sa hindi ito masiyadong na expose sa hangin at nasa magandang itong kalagayan ay parang kahapon lamang ito nabaon sa lupa.

Source: CNN style

Sa tingin pa ng mga experto na kung sino man ang nag baon sa mga ito 1,100 taon ang nakalipas ay plano pa sana nilang balikan dahil nakapa-pako ang garapon upang hindi ito magalaw. Subalit wala na ngayon nakaka-alam kung bakit hindi na nila ito nabalikan.

Source: CNN style
 

 Source: CNN style

 

No comments