Featured Post

Hinabol ang isang Pinay OFW ng kanyang Amo habang papunta sa Philippine Embassy sa Kuwait



Source: OFW JOIN FORCE


Mapalad ang isang OFW sa ibang bansa kung mapupunta ito sa mabubuting amo o employer. Hindi lahat ay maswerte sa ganitong pagkakataon. Swertehan din ang paglalakbay sa ibayong bansa.

Tulad nalang ng isang OFW sa bansang Kuwait ang hinabol ng kaniyang amo nang magtungo ito sa Philippine Embassy ng nasabing bansa.  

                 

 

Source: OFW JOIN FORCE                                                                                                             

Mula sa Facebook page na “OFW JOIN FORCE – Ang Boses At Kakampi Ng Mga OFW,” ipinost ang isang video na kung saan makikita ang isang babaeng naka-itim na pinag-alamang amo ng Pinay OFW. Makikitang ayaw pakawalan at kinakausap nito ang Pinay na OFW, babaeng naka-pajama sa video. Hindi rin nagtagal ay tila kinuwelyuhan ng amo ang OFW habang patuloy pa rin sa pagsasalita na tila gàlit. Gustong tanggali ng Pilipina ang pagkakahawak sa kaniya ng kaniyang amo ngunit hindi to makawala.                                      

Source: OFW JOIN FORCE 

Maririnig naman sa background ang isang boses na nagsasabing huwag daw aalis ang OFW hangga’t maaari.

Makalipas lamang ang ilang minuto ay may lumapit na mga kalalakihan sa kinaroroonan ng dalawa. Mapapansin na kinakausap nila ang amo na bitiwan at pakawalàn na ang OFW. Ngunit patuloy pa rin sa pagsasalita ang amo habang pilit pa ring pumipiglas sa pagkakahawak sa kaniya ang Pinay.

Source: OFW JOIN FORCE 


Patuloy pa ring nagsasalita ang amo habang hawak sa kuwelyo ang OFW hanggang natapos ang video. Patuloy pa rin silang kinakausap ng mga lumapit na kalalakihan.

Sa makikitang video masasabing gustong umalis ng Pinay OFW sa pudir ng kanyang amo at patuloy na pinipigilan siya ng kanyang Amo.


 

Source: OFW JOIN FORCE 


Umani naman ito ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens.

 "Sinong siraulo na katulong na tatakas sa amo kung wlang mali sa loob ng bahay kung mabuti ang amo wlang lalayas n katulong."

"mabuti na lamang daw at nakaalis siya sa poder ng kaniyang employer. Idagdag pa na nakalapit daw agad sa kanila ang mga polo guard na “matatapang."

"Tama ang ginawa ni kabayan, tumakbo sa embassy,pra alam ng embassy ang nagyayari na akto hinahabol cla at pilit cya kunin uli pra saktan lng"


 

Source: OFW JOIN FORCE

No comments